Page #9

15K 223 6
                                    


5 MONTHS na rin ang nakalilipas, mas lalo pang lumalim ang koneksyon sa pagitan namin ni sir Oliver at napa mahal na sya saakin.


Nasa bahay ako ngayon nanonood dahil weekend ngayon walang klase, napatingin ako sa pintuan ng pumasok dito ang mga ka blockmate ko nangunguna si Joana. Tumayo ako at sinalubong sila.


"Hi bessy, musta?" si Joana


"Ayos lang naman, tuloy kayo sa sofa."


Nakipag beso naman ako kina Trisha Lian at Divine, naka upo na kami ngayon sa sofa. Niyaya ko sila dito sa bahay dahil boring at idagdag mo pa na wala sina mama at papa kanina pang umaga.


"Boring sa bahay Channy, kaya pumunta kami dito at buti nalang nagyaya ka dito. Tamang tama talaga." si Divine.


"Ito ayaw ko sa weekend eh, boring..." Si Lian na halatang nabo-bored talaga.


"Magluto tayo ngayon tapos nood tayo movie." Sabi ko napangiti naman sila, pero napatingin ako sa cellphone ko ng mag vibrate ito. Nakita kong pangalan ni Sir Oliver kaya binuksan ko ito agad.



Sir Oliver:

Hi, baby where are u?

Napangiti ako sa endearment namin baby pa talaga. Pwede naman habibi. 

Ako:

Sa bahay lang, kasama ko nga pala sina Joana, ikaw ba, musta?

Medyo lumayo ako sakanila ng mag text ito ulit, baka kasi makita na patay na.

Sir Oliver:

I'm okay, I miss you😘

Ako:

I miss you too😘

Pero lumipas ang ilang minuto na walang text na galing sakanya ang dumating saakin. Pinabayaan ko nalang dahil busy siguro sa trabaho nya, itinuon ko nalang ang pansin sa mga kaibigan ko.


Wala namang problema dahil lagi kaming nag uusap, mapa tawag or text. Misan nga kahit kumakain ay hawak ko cellphone ko, ganun siguro kapag inlove noh, mukhang tanga. Napapagalitan na rin ni mama minsan.


Nagluto kami ng pancit canton na lima tapos tuna pie, pagkatapos nun ay nanood na kami ng 'Me Before You'.



•~•

MALAPIT na ang intramurals kaya naman lahat ng estudyante ay busy sa pagpapalista ng sasalihan na iba't ibang paligsahan, ako naman wala akong hilig sa mga ganyan kaya volunteer nalang daw ako sa mga booth.


Magkasama kami ni Josh ngayon, pareho kasi kaming walang sinalihan, nagba-basketball naman sya pero wala daw sya sa mood ngayon. Ewan ko ba sa lalaking to kung bakit nasa tabi ko sya lagi sa nakalipas na limang buwan ay lalo kaming naging malapit sa isa't isa.


"Ahm, Chan bakit wala kang sinalihan?" tanong ni Josh, naka upo kami ngayon sa open field.



"Bawal kasi akong mapagod." Hindi ko sya nilingon dahil tutok na tutok ako sa panonood ng practice sa sayaw.



Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon