Page #10

15.6K 206 6
                                    

HABANG abala si Channy sa pagtulong sa mga ka blockmate nya para sa intramurals, nakatingin naman sakanya si Josh pero hindi nya ito napapansin. Tutok na tutok si Josh sa pagtitig sa dalaga na sa mga decoration ang atensyon.


'Hindi pwedeng mapunta ka sa Oliver na iyun, halatang may gusto sya sa'yo."


I'yan lang ang nasabi ni Josh sa isip nya habang tinititigan ang dalaga.


Lalo pa syang lumapit sa dalaga para tulungan ito, lalong nalanghap ni Josh ang mala bulaklak nitong amoy. Napansin na siguro ni Channy na nasa tabi nya si Josh kaya nilingon nya ito.


"Ah..Josh, ikaw pala, tumulong ka naman." Pagmamaktol ni Channy.


Tumulong naman kaagad si Josh sa ginagawa nila, lumipat naman si Channy sa ibang gawain. Habang busy ang lahat ay inilibot ni Channy ang kanyang tingin ngunit napatigil siya ng mapansin na wala si Trisha kaya tinanong nya si Lian.


"Lian, nasaan si Trisha?" Agad naman tumingin si Lian sakanya.


"Hindi ko alam eh, baka si Joana alam nya."


"Oppsss, di ko alam saan yun pumunta noh."


Ahh si Trisha na ngayon ang aswang. Nawawala na din kasi ang babaeng yun bigla bigla. Nagkibit balikat nalang si Channy, mukhang may pinuntahan yata. Napatigil sya sa pag iisip ng biglang tawagin sya ni Divine.


"Uyy Channy..." si Divine.


May secret relationship ba kayo ni Josh ah?"


Agad naman syang nagulat sa tanong ng kaibigan, tinignan naman nya si Josh na abala sa pagtulong.


"Wala kaming relasyon, we're just close to each other. Kahit naman kayo ay close nya."


"Eh may nakakita daw sainyo sa field.. hinalikan ka daw sa pisngi.."Sabi naman ni Joana.


"Nako Channy ah, i-inform mo naman kami.."


"Wala nga, hinalikan nya lang ako sa pisngi, walang malisya yun.. pati nga ako nagulat ng bigla nya akong halikan sa pisngi."


Mahabang paliwanag ni Channy sa mga kaibigan.


"Pero Channy, let me tell you something." nakisingit bigla ang ka blockmate nilang babae na si Portia


Agad naman silang napatingin sa gawi ng babae.


"Bagay kayo ni Josh, maganda at gwapo."


Dun na napatingin si Josh sakanya dahil masyado palang malakas ang pagkakasabi ng dalaga, nagsimula namang magsi tilian ang iba. Nagkatinginan nalang si Josh at Channy sabay iling dahil sa ginagawa ng mga kasama nila.

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon