Page #11

13.3K 183 4
                                    

Limang araw na rin simula nung malaman ni Trisha ang sikreto namin ni sir Oliver, hindi daw sya tuloy makatingin ng diretso kay sir Oliver kapag nagtuturo ito dahil nakakailang daw kahit hindi sya yung nasa sitwasyon ko.

Kahit sina Joana,Lian at Divine ay nagtataka rin kung bakit di matignan ng matagal ni Trisha si Oliver.


Nandito kami ngayon sa Court dahil may i-a-announce daw ang dean saamin specially sa mga basketball players. Ang nakapagtataka pati mga guro nandito rin pero Ang iba wala lalo na si Oliver hindi ko sya nakikita dito. Nakatuon ngayon ang atensyon namin sa Dean na nasa harap na namin.

"Good morning student, ipinapatawag ko kayo dahil may mahalaga akong anunsyo sa inyong lahat. Magkakaroon tayo ng isang larong laban sa guro at estudyante sa pamamagitan ng basketball.

Sa pagkaka anunsyo biglang may mga iba't ibang bulungan o opinyon na ibinigay ng mga estudyante.


"Pitong manlalaro mula sa guro at pito din sa mga estudyanteng manlalaro ng basketball." Pwede pala yun? Estudyante labas sa guro?


"Ipinapakilala ang mga manlalaro na maglalaban laban sa darating na Intramurals."

Isa isang nagsi labasan ang mga estudyanteng nag mula sa kaliwa,pito silang lahat pero nagulat ako ng pang huling lumabas si Josh, kaya pala wala sya kanina sa room lalo na yung papunta kami dito.


Lumabas naman ang isang grupo na mula sa kanan, ito nga yung mga guro dahil nandito yung kaibigan ni Oliver na sina Mark at Vanjo di ko na kilala yung iba dahil nag mula sila siguro sa 1st year college na mga guro, mas nagulat ako ng mag si tilian ang mga babaeng estudyante dahil sa huling lumabas at walang iba kundi si Sir Oliver.


"Sila ang mga mag lalaban laban sa darating na Intramurals. Ipinapakilala ko ang team ni Mr, Alfaro."

Nag tanguan lang silang pito saamin. Si Josh naman ay mukhang bagut na nakatayo sa harap.

"Sumunod ay ang grupo ni sir Oliver.


Ganun din ang ginawa nilang pito. Napaka hot talaga ng lalakeng ito, kahit walang effort ay napaka gwapo at lakas ng dating.


Sa edad, tikas ng katawan at estado nyang 'yan may naging nobya din ba 'to?


Pagkatapos nun ay lumabas na kaming lahat at pumunta na sa canteen, usap usapan pa rin ang paligsahan sa pagitan ng dalawang grupo.


Umupo kami sa may bandang glass wall para malayo sa mga nagkukumpukan na mga estudyante para iwas dawit gulo na rin, agad naman sila napatahimik ng biglang pumasok ang mga guro at ni sir Oliver. Umupo sila sa bandang dulo pero nakaharap ako sakanya kaya nakakailang.

Sumunod naman ang grupo nila Josh kaya nagsi tilian nanaman ang mga babae na ikinailing ko nalang dahil pati sina Lian, Divine at Joana ay nakikisali na rin,

"Oh, ano bessy? marami ka ng kaagaw kay Josh, bakuran mo na kasi." si Joana na sobrang kinikilig sabay alog sa balikat ko.


Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon