Page #16

11.4K 155 16
                                    

Pangalawang araw na ng intramurals namin at ngayon din isasagawa ang Mr and Ms Intramurals 2021

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may gusto saakin si Josh, bakit kaya Hindi ko i'yun naramdaman? Siguro kasi nakatuon lang ang atensyon ko sa'min ni Oliver!!

Si Lian ang pambato namin for 3rd year level nasa gymnasium sya ngayon para sa prepasyon mamaya, ako naman papunta sa hubby ko miss ko na sya eh, hindi kasi ako natulog dun sakanya kagabi, walang kasama si mama sa bahay dahil si papa nasa business trip sa Malaysia.

Nagluto rin ako ng kaldereta para sakanya, nagpaalam din ako sa mga kaibigan ko na di ako makakasama manood ng practice ni Lian, pumayag naman sila. Pagkarating ko di na ako kumatok, pinihit ko na agad ang seradula ng pinto at nakita ko naman sya na naka upo sa swivel chair na naghahanda ng kumain.

Napansin siguro ng binata ang pag pasok ng dalaga kaya nag angat ito ng tingin. lumapit agad ang dalaga at sinalubong nila ng mahigpit na yakap ang isa't isa.

"I miss you, baby..."

"Na miss din kita, dinalhan pala kita ng ulam, niluto ko kanina kaldereta..."

Kumalas sila sa yakapan at umupo sila sa sofa at kinuha naman ni Oliver ang plastic na lagyan na may lamang kaldereta. Sinalinan naman ni Channy ng kanin at kaldereta si Oliver sa pinggan. Kumain lang sila habang nag kukwentuhan.

"Oliver..." Tawag pansin ni Channy sa binata habang sumusubo ng kanin, napatingin naman sya agad sa dalaga

"Manonood ka ba mamaya, sa pageant?..."

"Yeah of course, i'm one of the judge..."

"Ah okey.."

"I love you baby..."

"I know, I love you too... Let's eat..."

Hindi na silang muling nag salita at tinapos nalang ang pagkain ng magkasalo.

ALA UNA na ng hapon ngayon na rin gaganapin ang patimpalak kaya lahat kami ay nandito na para manood, tatlo ang judge isa na dun si Oliver at kasama nya ang dalawa pang babaeng guro.

ilang minuto pa ay nag simula na rin, pangatlong kalahok si Lian at nagngangalang Rupert Sandes yung kapareho nya, di maikakailang may itsura yung binata at kada posing nila ay naka palibot ang kaliwang o kanan na braso ni Rupert sa beywang ni Lian.

Napadako naman ang tingin ko kay Oliver, Ewan ko kung namamalikmata ba ako o hindi, kitang kita ko kung paano tumalim ang tingin nya sa nakapalibot na braso kay Lian, kumuyom din ang kamao nya habang di inaalis ang tingin sa magkapareha sa intablado, pero ipinagsawalanag bahala ko nalang dahil baka naduduling lang ako, saka lang sya uminahon nung nawala na sina Lian at Rupert sa intablado.

Natapos na ang talent portion at pagkanta ang napili nina Lian at Rupert, at ngayon question and answer na at si Lian na ang sasagot kaya naman pumunta na sya sa harapan at kinuha ang mike sa host.

Si Ma'am Zel(Isa sa mga judge) ang magtatanong Kay Lian.

"Good afternoon Ms, Adecer.. here's your question.. Ano ang iyong gagawin kung nakalaan ka na sa isang tao, pero may iba na itong nagugustuhan at mas malala pa ay mahalaga din sa'yo ang taong nagugustuhan nya?..."

Parang may parte sa utak ko na hindi ito isang tanong lang kundi isa itong pahayag na gusto nilang iparating, tumingin muna sa direksyon ko si Lian saka tumikhim at nag salita.

"Salamat po sa tanong, ang gagawin ko po ay kakausapin ko yung lalaking nakalaan saakin na kung pwede ay.. ako na lang ibigin nya total ako na rin naman ang nag mamay ari sakanya, at dun naman sa taong mahalaga din saakin siguro ay maiintidihan din nya kung bakit mas pinili ko yung pag mamahal kesa sa pag ka-kaibigan.. maraming salamat po...."

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon