Page #28

10.9K 226 39
                                    

Hi po sunny side upsizzzz, ito na po request nyo sorry po talaga nag experiment pa kami sa school hehehe..

Sa mga lahat ng bumuto at nag comment ng next chapter THANK YOU dahil nararamdaman kong binabasa at naghihintay kayo sa update ko..

                        Binibining_Nhor...
                        I wub you po...

____________________________

Nakatitig lang sa'kin si Allen pagkatapos kong sabihin na nagkita kami ni Oliver sa venue. Ako naman ay kinunotan sya ng noo.

"Nagkita kayo ni Oliver?"

Tumango tango naman ako ng mabilis saka lumapit sakanya ng kaunti.

"Allen paano kung magkita kami ulit at malaman nyang may anak sya sa'kin. Paano kung malaman nyang anak nya si Via. Paano kung kung kunin nya sa'kin ang anak ko Allen.."

Napailing iling nalang si Allen at tumawa ng mahina saka sya bumaling sa'kin.

"Kumalma ka nga Nyny, eh ano naman kung malaman nyang anak nya si Via. Ano naman kung malaman nyang may nabuo kayong dalawa. May karapatan pa rin sya."

"P-pero--

Hindi ko na naituloy dahil muli syang nagsalita.

"Nyny, kahit pa may asawa sya o wala. Kahit pa may naging kasalanan kayo o wala dati. Anak pa rin nya si Via, dugo at laman nya ang dumadaloy sa katawan ng bata at hindi lang sa'yo."

Tumayo sya at nilagay sa magkabila nyang bulsa ang dalawa nyang kamay saka tumingin sa'kin.

"Subukan mong palawakin ang i'yong pag unawa. Makinig ka muna sa eksplenasyon nila bago mo husgahan. Dahil baka sa huli pag sisihan mo lahat ng desisyon mo. Darating ang araw na maitatanong mo sa sarili mo na "Tama ba ang naging desisyon ko dati?" Channy mag isip kang mabuti. Ang isang pagkakamali ay hindi na pwedeng patungan pa ng isa pang pagkakamali."

Pagkatapos nun ay iniwan nya akong nakatulala at pumasok na sya sa kwarto nya. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatulala at laging nag re- replay sa utak ko ang mga sinabi ni Allen. Para bang may ipinapahiwatig syang kung ano? Para bang may gusto syang sabihin sa'kin pero gusto nya ako ang maka alam.

Wala akong gana kumain kaya pumasok na ako sa kwarto namin ni Via. Lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa noo pinakiramdaman ko muna ang sarili ko kung inaantok pero wala akong maramdaman na antok kaya pumunta ako sa may terasa nitong condo at umupo sa may upuan nun. Paglabas ko pa lang sinalubong na ako ng hangin pang gabi.

Habang nagpapalamig ako ay tumingin ako sa kalangitan at bumuntong hininga bigla naman pumasok sa isipan ko ang itsura ni Oliver kanina. Sobrang kisig na nya ngayon, parang nadagdagan yung tangkad nya, Yung kissable lips nya, yung mala abo nyang mga mata, Yung paos nyang boses nakakamiss din pala.

Gustong gusto ko syang yakapin, halikan, suklayin yung malambot nyang buhok. Gustong gusto kong sabihin sakanya nun na "I'm longing for his presence".

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon