Page #4

24K 386 17
                                    


Page #4

One month had past, still avoiding Sir Oliver. He became stricter and serious in his class. Lagi kaming pagod sa subject nya. Sunod sunod kasi ang mga pinapagawa nya sa amin. Research project, performance task at kung ano ano pa


Hindi na rin naulit yung pag- punished saamin ni Josh, buti nalang talaga at hindi na nagsalita pa si sir Oliver tungkol dun. Mas naging malapit naman kami ni Josh at nung apat na kaibigan ko. Panay kasi kulit si Josh kaya kinaibigan nalang namin.


"Nag i-imagine nanaman si Channy with her prince charming." Nabaling naman ako kay Joana. Napaka daldal e.


It's a Wednesday now kaya maagang natapos ang klase dahil na din sa may meeting ang mga teacher's ngayon about sa new head ng faculty.


"Pag ako talaga nagka-prince charming, hindi ko sasabihin sainyo kung sino. Naku talaga."


Uminom si Lian ng tubig saka ako binalingan. " Walang ganyanan Chan, tignan mo si Josh o, gentleman din yan baka naman nagkaka-develop-an na kayo." Sabay nguso kay Josh na nag o-order ng pagkain namin.


Napailing nalang ako. Hayan nanaman sila kay Josh, palagi nalang nila ito ini-rereto saakin. Aaminin kong mabait si Josh at palatawa kaya yun ang nagustuhan ko sakanya pero not romantically. As a friend lang naman.


Sumama ito saamin dahil ayaw nya muna daw sa mga kaibigan nya na nanonood daw palagi ng p*rn. Grabi naman yan, baka matuyo na mata nila kakanood nyan.

Ay!


Maya maya pa ay dumating na si Josh na dala ang order namin. Ang bait naman. Hindi katulad ni sir Oliver na palaging galit saakin. Hmmp!


"Anong pinag uusapan nyo?" Umupo na din ito sa tabi ko.


"Maganda ba si Channy, Josh?" Napadilat ako sa tanong ni Divine.

Putakte! Ipapahiya pa ako.


"She's gorgeous, smart, kind and laging tulala."


"Wow salamat ah, ayos na sana e kaso may tulala pa sa huli." Tumawa lang sila kaya inirapan ko ang mga 'to.


"Chan nung nasa probinsya kaba, marami ka ding napupuntahan dun after klase nyo?"Napaisip ako sa tanong ni Divine.


"Hindi e, diretso ako sa bahay pagkatapos ng klase. Lagi kasi akong sinusumpong ng hika noon tapos lagi din wala si kuya dahil dito na sya nagtatrabaho sa Maynila e. Madalas kasi na sya ang may alam sa kung ano ang gagawin kapag nagkataon, kaya nga naisipan nina mama na lumipat kami dito dahil na rin sa gusto ni kuya na malapit pa din kami sakanya."


"Naalala ko pa nung isang beses na sumpungin ako ay hindi pa namin alam nina mama at papa ang gagawin nun e tapos wala si kuya kaya ayun nadala agad ako sa hospital." Medyo mahaba ko pang paliwanag sakanila.


"Narinig ko din na mahirap daw kapag may sakit kang hika, laging limitado ang galaw mo." Singit naman ni Josh. Nakikinig pala sa usapan namin.

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon