Page #17

10.4K 171 6
                                    


Hapon na rin eksakto 1:30 pm ng dumating kami sa University dumiretso kami sa basketball court dahil mag sisimula na daw ang game kaya pala nag kakagulo na ang mga estudyante dahil pa simula na rin pala ang inaabangan nilang laro.

Pagkatapos ng laro ay ibibigay ko agad ang regalo ko para kay Oliver, sigurado akong magugustuhan nya ito. Dumiretso na ako sa basketball court nakita ko agad sina Joana at Divine na nakaupo kaya agad akong tumungo sa kinaroroonan nila,

pagpasok kasi kanina dito sa university ay nagtungo ako sa cr para tuloy tuloy ang panonood mamaya baka kasi bigla akong ma wiwi kaya pinaunan ko na sila sinabi ko na susunod nalang ako.

"Dali bessy!, magsisimula na..."

Tawag sa'kin ni Joana, pinaupo nila ako ni Divine sa gitna nila, hanggang ngayon di ko pa rin nakikita sina Lian at Trisha, ano kaya yung pinag awayan nila? Hindi ko nalang tinanong itong dalawa dahil baka magalit lang sila.

"Channy, sinong i-chi-cheer mo..si Jowa mo o si Josh? hmm?..." -bulong saakin ni Divine

Napailing nalang ako sa sinabi nya, siyempre si Josh, kasi baka makahalata na ang buong (IU) kung ang i-chi-cheer ko ay si Oliver, maiintidihan din naman nya yun eh, babawi nalang ako sakanya mamaya

Kinurot ko ang tagiliran nya dahil baka may makarinig sakanya, tinawanan lang nila ako. Haynako itong mga kaibigan ko talaga....

Naagaw ng atensyon namin ang pag simula ng MC mag salita sa entablado.

"Magandang hapon sainyong lahat!!!..."

Ani ng MC at nagsi-hiyawan naman lahat ng estudyante isali pa ang mga outsiders.

"Ating saksihan ang pagtatapat ng mga estudyante laban sa kanilang mga guro, sino nga ba ang magwawagi at matatalo... ready na ba kayo?!...."

"Yowwwwww!!!!!.." -pasigaw na sagot nilang lahat

"Kung ganun.. let's all welcome our player from professor clan....

Nagsi-labasan naman ang lahat ng prof na mag lalaro at pang huling lumabas si Oliver naka lagay din sa likod ng jersey nya ang SEBASTIAN 1
which is apelyido nya.

"At sa kabilang side naman tayo, Student clan....

Lumabas naman sa bandang kaliwang entrance sina Josh at ganun din pang huli syang lumabas it means pang una din sya ALFARO 1

"Huwag na natin patagalin pa ito.. SIMULAN NA ANG LABAN!!!.."

Tumunog na siren na hudyat ng simula ng laro, nag harap harap muna ang bawat man lalaro at nag shake hands muna saka sila nag puntahan sa kampo nila, nasa gitna sina Josh at Oliver na magkaharap at sa gitna nila ang isang lalakeng di ko kilala, hawak nya ang bola at itatapon para paunahan nila Josh at Oliver.

Narinig ng ang pito kaya itinapon na sa ere ang bola mabilis naman na unahang inablot ng dalawang binata at si Oliver ang nakakuha, nag simula na din kumilos ang mga kasama nila.

Kumuha agad ng tiyempo si Oliver para i-shoot ang bola kaya napatigil sila at inaabangan ang bola kung mag shu-shoot ba ito sa ring nila Josh at...

Nag...

Shoot....

Kaya naman tatlong puntos agad na-kina- Josh naman ang bola at mukhang determinado talaga na maka shoot ngayon.

Lumipas na ang isang oras at tatlumpong minuto, marami na rin silang puntos 112 ang kina Josh at 116 kina Oliver naman, last quarter na rin ito, break time muna ng 15 minutes, nagpaalam mina ako kina Joana at Divine na mag c-cr na muna dahil hindi ko na kaya baka pumutok na si bulkang pempem at magkalat pa ng clear lava.

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon