Page #31

10.7K 229 48
                                    

Hi po sunny side upsizzzz, new chapter update po... I WUB YOU

____________________________

MAsyadong mapag hanap ang kanyang mga mata na para bang may gusto pa syang itanong pero pinipigilan nya lang ang sarili nya.

Ganitong ganito ang pakiramdam ko dati kapag tinititigan nya ako ng matagal, yun bang para kang hinihigop ng bilyo-bilyong boltahe ng kuryente. Yung para kang high school na hindi alam ang gagawin pag natitigan ka ni crush.

Ako ang naunang bumawi ng titig dahil para akong matutulos sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga titig na ipinupukol nya sa'kin. Ibinaling ko ang tingin ko kay Via na nilalaro ang stuff toy na bigay ni Oliver sakanya.

Hinawakan ko na sya sa kamay at tumalikod na ang anak ko naman ay sumusunod lang sa galaw ko dahil na sa toy pa rin ang atensyon nya pero bago pa kami ni Via maka likha ng pangalawang hakbang ay muling nag salita si Oliver.

"Please Channy let's talk just this time, kahit sa huling pagkakataon lang."

Autumatiko aking napatigil dahil sa mga katagang sinabi nya lalo na Yung pang huli. Anong ibig nyang sabihin dun? Anong gusto nyang iparating? Unti unti naman akong humarap sakanya at dun ko nakita ang mga mata nyang naninubig at mukhang nagbabadya nang tumulo ang kanyang mga luha.

Nakita ko naman sina Mama, Papa at kuya na nakatanaw lang sa'min na para bang hinihintay ang susunod kong gagawin. Malapit lang sila sa kinatatayuan namin ngayon nina Oliver pero hindi nila kami nilalapitan. Tumingin akong muli kay Oliver at kitang kita pa rin sa mukha nya na umaasang papayag akong makipag usap sakanya.

Makalipas ang ilang segundo ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong inihahatid si Via kina mama dahil pumayag na akong makipag usap sakanya. Iniwan ko muna ang anak ko sakanila at saka pinuntahan si Oliver sa sinabi nyang paghihintayan sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ng katawan at puso ko na lumapit o mapalapit sakanya pero ang isip ko naman ang sumasablay lagi itong nagpapaalala sa'kin na hindi na kami pwedeng bumalik ni Oliver sa dati dahil matagal ng sira ang pagsasamang i'yon at kailangan ko ng iwan ang mga alaalang i'yon at mag patuloy sa buhay dahil ang mga alaalang i'yon ay hanggang alaala nalang namin.

Pagpasok ko sa isang resto ay agad kong hinanap king nasaan sya naka pwesto. Nakita ko naman sya sa may bandang gilid at naka tungo ang ulo mukhang sobrang lalim ng iniisip nya at ang ideyang yun ay nakalikha ng kirot sa'king puso.

Ang maisip na nahihirapan sya ay nasasaktan din ako. Sino ang hindi masasaktan kung dati ay may pinagsamahan din kami kahit malabo nang maibalik yun ay hindi ko maitatangging minahal at mahal ko pa rin sya hanggang ngayon.

Nang nag angat sya ng tingin ay agad nag tama ang mga mata naming dalawa pero ako na ang umiwas at minadali ang pag upo sa harap nya. Matagal nya akong tinitigan na parang minememorya ang bawat sulok ng aking mukha saka sya tumikhim at umayos ng upo.

Hindi ko naman maiwasang mag alala dahil bumalik nanaman ang bilis ng tibok ng aking puso gaya nung dati na tibok nito pag ganito ako kalapit kay Oliver.

"Oliver."

"Channy."

Sabay na bigkas namin kaya nakaramdam agad ako ng ilang dahil napag hahalata talaga na medyo kinakabahana ako. Tumikhim ako at tumingin sakanya.

"You have a beautiful daughter Channy."

Ngumiti naman ako ng kaunti sakanya para di nya mahalata na kinakabahan ako nang isingit nya ang anak ko.. namin.

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon