Page #24

11.1K 213 35
                                    


Sunny side upsizzzz, sorry po kung late na talaga update nabu-busy na talaga sa modules ang hirap pala..

anyway salamat pa din sainyo kasi nag me- message pa rin kayo sa'kin at sa mga readers ko dyan salamat sa support nyo.. LABYOOO PO.

_______________________


Pinatanggap ko na rin kay Allen ang alok sakanya sa Pilipinas dahil uuwi na din ako, kami ng anak ko.

Baka naman ngayon na ang tamang araw para harapin ko ulit ang mga panibagong pagsubok sa buhay.

Maaga pa lang ay gumising na ako para makapag impake na. Si Allen naman ay inasikaso na ang plane ticket naming dalawa. Habang nag iimpake ako ng mga importanteng dadalhin ay nasa kama naman si Via na naglalaro.

Sinabi ko kay Allen na importanteng bagay lang dadalhin ko at konting damit namin ni Via kasi babalik din kami dito. Ayoko magtagal sa Pilipinas. Pagbigyan ko lang ang mga hiling nila pagkatapos nun ay uuwi na kami ni Via dito dahil para sa'kin itong Paris na ang bansa ko.

"Mimi, why awe we packing?"
(Mimi, why are we packing...")

Hindi ko naramdaman na nasa tabi ko na pala ang anak ko. Agad ko syang hinalikan sa tuktok ng ulo saka pina upo ng mabuti sa tabi ko.

"We are going to my parents country. Your grandparents."

Agad naman lumiwanag Ang mukha ng anak ko. Ang kanina nyang naka kunot noo ay napalitan ng kasiyahan.

"Ohh, to my gwandma and gwandpa?"

"Yes my baby Via."

Hinalikan ko sya ulit sa noo. Tumayo naman sya at nagtatatalon sa tuwa. Napangiti na rin ako ng malaki.

"Yehey!!"

Nang matapos na ang pag e-empake ko kay itinabi ko na ito. Dinala ko na si Via sa baba para makapananghalian na kami. Ang hilig hilig nya sa adobo at half cook na boiled egg. Pag yun ang niluluto ko ay nakaka tatlong dagdag sya ng kanin. minsan nalang sya kumain ngayon ng cerelac.

Mabuti nalang at hindi pa rin sya naghahanap ng tatay na ikinalaking pasasalamat ko. Pero alam ko na darating ang panahon na hahanapin nya ang kulang sa buhay nya. Saka ko na hahanapan ng solusyon yun pero sa ngayon sasamantalahin ko muna na kami ang magkasama at hindi pa naghahanap ng kalinga ng isang ama.

Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko na ang pinagkain namin. Si Via naman ay nanonood ng cocomelon. Nang matapos ko na ang paghuhugas ay kinuha ko ang mga pasalubong ko kina Mama, Papa at kuya syempre meron din sina Joana at Josh.

Binalot ko na ito sa gift wrapper para na din sa birthday ni Joana. Nilagay ko na ito lahat sa isang maleta para hindi magkawalaan.

KINAGABIHAN ay ibinigay ni Allen ang plane ticket namin dahil baka makalimutan nanaman daw nya. Naalala ko pa nung pumunta kami sa Japan para mamasyal dun ay nakalimutan ni Allen kung saan nya nailagay ang passport at plane ticket namin yun pala nailagay nya sa bag pack nya.

Kaya simula nun ay sa'kin na nya ito ibinibigay dahil natauhan na daw sya, sinabihan nya pa ang sarili na "ANG TANGA KO TALAGA".

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa sa salas para magbasa ng mga novel. Si Via naman ay natutulog na sa kwarto ko. Hindi ko namalayan na umupo na pala si Allen sa tabi ko habang kumakain ng pasta.

"Ready kana ba bukas?"

Mula sa libro ay nalipat ang tingin ko sakanya. Ilang minuto pa bago ako sumagot sakanya. Ibinaba ko ang libro at humarap sakanya.

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon