Page #20

12.2K 211 11
                                    


"Hi po mga sunny side upsizzzz. Sorry po kung umabot ng week before i update this chapter na busy na po kasi sa first week of module... Salamat po sa support please do follow me po.😘

______________________________

Unti unti akong nagmulat ng mata at tumambad saakin ang puting mga pader, itinaas ko ang aking kaliwang kamay at may dextrose dun. Alam ko na kung nasaan ako, nasa hospital.

"Tita huwag nyo na po sana syang pagalitan. Hindi nya po 'yun alam kahit kami hindi rin makapaniwala."

Wika ng pamilyar na boses, at sigurado akong si Joana 'yun. Tumingin ako kung nasaan nanggagaling ang boses na yun at nakita dun sina Mama kausap nila si Joana at sa gilid naman nito si Josh. Tumikhim ako kaya naman biglang nabaling ang tingin nila sa'kin. Agad na lumapit si kuya kasabay yung iba.

Hinawakan ni Mama ang kaliwa kong kamay habang nasa likod nya si Papa, nasa tabi naman ni kuya sina Joana at Josh. Una akong tinanong ni kuya.

"How are you feeling? may masakit ba sa'yo?"

Pero bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Joana.

"Tatawagin ko muna ang doctor."

Kasabay nun ang paglabas nya.

"Anak sobra kaming nag-alala sa'yo, pagkatapos nito ay mag uusap tayo ah?"

Malumanay na kausap sa'kin ni Mama habang si papa naman ay hinahaplos lang ang ulo ko. Bigla kaming napatigil ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Joana kasunod ang doctor na babae na nasa mid 40's na sya. Binitawan muna ako ni Mama at gumilid sila kaya lumapit na sa'kin ang doctor.

"How are you feeling hija?, There is something hurt?"

Marahan akong humiling. Medyo nakakaramdam pa din ako ng konting hilo at naalala ko nanaman yung kanina.

"Wala naman po, pero medyo nahihilo lang."

"Well, that's normal for your condition, Just be careful next time for the safety of the baby. I'll make some tests for you and your baby and after that you can go home, just rest for today."

Parang nabibingi ako sa isang salita na dalawang beses nyang binabanggit "baby" tiningnan ko ang doctor na may pagtataka sa itsura.

"B-baby?" Naluluha kong tanong.

Unti unting tumango ang doctor at ngumiti sa'kin.

"Yes, miss Fortaleza. You're pregnant but don't worry first day of your pregnancy pa lang and congratulations for you mommy, maiwan ko na kayo."

Pagkalabas ng doctor ay wala na rin nag aatubili na mag salita. Tiningnan ko sila Isa isa pero nagsi-iwasan lang sila ng tingin. Kaya ako na ang nag basag ng katahimikan.

"M-Mama t-totoo ba yun?"

Agad na lumapit sa'kin si Mama at pinaupo ako ng mabuti at nilagyan ang likod ko na unan. Tumabi sa'kin si kuya at marahan na hinahaplos ang likod ng buhok ko. Kinuha naman ni Papa ang isang upuan at pinaupo dun si Mama.

"A-anak t-tama ang n-narinig mo, b-buntis ka."

Ni hindi ko muling maibuka ang bibig ko. "Anak" "buntis" ibig sabihin may nabuo kami?? Agad na bumagsak ang masaganang luha na kanina pa gustong kumawala. Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni kuya Andrew. Hinayaan ko lang sya dahil yun naman ang kailangan ko ngayon.

Maya-maya pa ay biglang nag ring ang cellphone ko. Kinuha yun ni Josh at agad din pinatay, kaya naman napatingin ako sakanya.

"He's been calling you several times but we chose to decline it."

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon