Page #19

11.7K 189 16
                                    

HINDI ako namamalikmata o naduduling, sigurado akong sila ang nasa litratong hawak ko ngayon. Nasa tabi ko pa rin si Josh at inalalayan ako.

May narinig akong nagsisinghapan. Kaya mula sa frame ay napaangat ako ng tingin, at dun ko nakita ang mga pamilyar na mga mukha. Bakas sakanila ang matinding gulat.

Ano to!!??

Napahawak ako ng mahigpit sa frame na hawak ko kahit ramdam ko na ang pagka sugat ng mga palad ko sa bubog na natitira sa frame ay ipinag sawalang bahala ko nalang yun. Humihigpit na rin ang pag hinga ko. Pinagpapawisan na tin ako ng malamig.

Bakit sila nandito?

Alam ba nila ito?

Totoo ba ito???

Prank ba ito?

Gusto kong mag salita, Gusto kong mag tanong pero wala ni isang boses sa bibig ko ang gustong kumawala. Namanhid na rin ang mga tuhod ko kaya mula sa pagkaka- kapit ni Josh ay natumba ako napasalampak ang tuhod, binti at mga kamay ko sa bubog sa sahig. Mabilis akong nilapitan ni Josh. 

Akmang lalapit na saakin si Oliver ng mabilis siyang pinigilan ni Josh. Wala akong maramdaman ni isang hapdi sa mga sugat ko. Na kina Oliver pa rin ang tingin ko at sa mga kasama nyang nasa hapag. Magkakasama ba sila sa pagpapaikot sa'kin.

"O-Oliver.. t-totoo ba ito? K-Kasal ka?"

At sa wakas ay may lumabas na rin na salita sa bibig ko. Tinignan ko sila pero wala ni isang sumagot. Napadako naman ang tingin ko sa kabila ni Oliver at dun ko nakita sina Joana, Trisha, Divine at Lian na tumatangis na din. 

"K-Kasal ba kayo... ni Lian? Totoo b-ba ito?"

Ngunit wala pa rin ni isang sumagot sa tanong ko at nakatingin lang sila sa'kin. Tuluyan na akong nanghina dahil hindi nya magawang sabihin ang mga sagot na gusto kong marinig.

"W-well silent means yes, naging k-kabit ako."

Dun lang sila nag react sa huling sinabi ko. Si Oliver naman ay tila parang estatwa lang.

"Bessy, hindi ka kabit."

"Channy, hindi yun ganun."

Sina Trisha at Joana ang nag react ng mabilis pero hindi pa rin nun mababago ang iniisip kong naging kabit ako. Nakatingin din sa'kin ang mga magulang ni Lian na umiiyak, minsan ko na silang nakita na magkasama sa mall, kaya sigurado akong sila ang magulang ni Lian.

Kahit nahihirapan ay mabilis akong tumayo at lumapit dun sa babae at lalake na mag asawa siguro at mga magulang ni Oliver ito panigurado. Bakas sa mga itsura nila ang pagtataka kung saan ako patungo. Bumitaw muna ako sandali sa pagkakahawak ni Josh sa'kin. Pagkarating ko dun sa direksyon ng mag asawa ay agad ako lumuhod at pinag daop ang mga kamay ko.

Sa ginawa kong iyon ay nakarinig ako ng singhapan pero nasa dalawang tao na nasa harapan ko ang aking atensyon. Kahit sila ay gulat na gulat rin sa ginawa ko. Nakarinig ako ng mga tumawag sa pangalan ko pero ipinagsawalang bahala ko lang i'yon. 

"P-patawad po kung naging k-kabit ako ng anak nyo po. Hindi k-ko po sinasadya.. w-wala po akong alam.. p-patawarin nyo po ako.. mga ma'am, mga sir."

Tumingin rin ako sa mga magulang ni Lian at ibinalik ko naman sa mga magulang ni Oliver ang tingin ko.

"P-Pasensya na po talaga.. kung naging k-kabit po nya ako, maniwala po kayo hindi ko po intensyon na manira ng relasyon.. kasalan ko po talaga."

Lumuhod ang nanay ni Oliver para mapantayan ako. Walang bakas na galit sa mga mata nito. Akmang hahawakan nya ako pero mabilis akong umatras.

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon