Page #23

10.9K 187 13
                                    


Hi po, sorry kung natagalan ang update busy na po sa module eh. BTW salamat po sa mga patuloy na bumuboto sa bawat update ko at patuloy na nag babasa. Labyooo po....

______________________________


Ilang minuto akong natigil dahil sa tanong nya. Hanggang ngayon yan pa rin ang tinatanong nya. Pero bakit ba hindi ko pa rin masagot sagot yan. Napabalik ako sa huwisyo ng bigla syang mag salita.

"Bessy naman ano na, ilang taon na tayong sa video call lang nag uusap. Nakakatampo ka na ah, nakakamiss ka na talaga at gusto ko na rin makita sa personal yang inaanak ko.." Ngumuso ito na parang pato.

Sarap sapakin.

Ang dami ng okasyon na hindi mo napupuntahan. Umuwi ka na dahil may sorpresa ako sa'yo. Dito ko na lang sasabihin sayo pag uwi mo.."

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sya sinagot ang kulit talaga ng babaeng to.

"Alam mo sa totoo lang, wala pa akong balak na bumalik dyan eh. Wala pa sa isip ko na umuwi dyan.."

"Pero bessy, ngayon taon naka schedule ang alumni party natin. At syempre malapit na rin birthday ko, please umuwi ka na ang tagal tagal mo na dyan eh."

Ito na nga ba sinasabi ko eh. Pag nagkaka usap talaga kami nitong taong to yan lagi topic nya. Siguro nga dapat ko na rin balikan ang bansa ko.

"Magsabi ka nga ng totoo, kaya ba ayaw mong bumalik dito ay hindi ka pa nakaka move on sa nangyari? Or may feelings ka pa din sa kanya—-" agad ko ng pinutol ang sinasabi nya.

"Wala na akong n-nararamdaman sa kanya noh.. s-saka oo naka move on na ako sa nangyari g yun pero aaminin ko masakit pa rin kahit na matagal na panahon na yun."

Pero bakit parang iba ang sinasabi ng puso ko, bakit parang pag sinasabi ko na wala na akong nararamdaman sa kanya ay nasasaktan ako, niloloko ko ba ang sarili ko.

"Naku bessy kung talagang totoo yang mga sinasabi mo. hala umuwi ka dito sa Pinas at manirahan muli dito. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo hanggat di  nakikita ng dalawa kong mata na naka move on ka na talaga."

Oras na nga siguro para umuwi na hindi ba, oras na para balikan ko na ang bandang iniwan ko apat na taon na ang nakalilipas. Oras na siguro para makapiling ko na sina Mama, Papa at kuya. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago sya sinagot.

"Oo na, Uuwi na ako bessy. Pero may aayusin lang ako dito, then after that I will go home."

Pagkatapos kong sabihin yun ay bigla na lang syang nagtatatalon sa saya at nagsisisigaw. Nakita ko na rin si Josh na dumating at tinanong kung ano ang nangyayare sinabi naman ni Joana na pumayag na akong umuwi at yun pati sya masaya rin.

Sana lang talaga tama ang desisyon ko na umuwi na sa Pinas.

Sana hindi ko ito pag sisihan.

Ilang minuto pa kaming nag usap at nagpaalam na rin ako dahil aasikasuhin ko pa sina Allen at Via. Tinapos na kaagad ni Allen ang pagkain at dinala na si Via sa kwarto habang ako naman ang nag huhugas ng pinagkainan namin.

Pagkatapos kong malinis ang baba ay pumunta na ako sa taas para mapalitan ko na ng damit si Via at para makapag pahinga na rin dahil alas otso na rin ng gabi at sigurado akong inaantok na yun.

Pagpasok ko ay nadatnan kong nilalaro ni Via ang buhok ni Allen. Mukhang naramdaman nila ang presensya ko dahil agad silang napatingin sa'kin.

"How was your talk with your best friend?"

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon