Page #3

24.1K 410 25
                                    


Page #3

Nasa library kami ngayon at ginagawa ang assignment namin. Bakante ang oras namin dahil may meeting ang mga teacher sa faculty room kaya ito tinambak kami ng seat work. Sana binigay na lang nila itong rest time namin, pero wala talaga.

Tapos ito ako ngayon medyo sinisipon din kakalaro kahapon. Baliw kasi na Josh 'yon eh iba rin ang suggestions para hindi raw maramdaman ang pagod pero ang ending sinipon ang ante ninyo.

"Guys, may celebration party daw si ma'am Andi para sa pagka pasa nya daw." Biglaang turan ni Divine.

Itong babae na 'to maypagka-marites talaga e, kung saan saan nakakasagap ng balita. Sana ang pinasok na lang nya na course ay Public Ad or Social Work kasi magaling sya dyan.

"Pwede daw makisali sa celebration ang mga estudyante mga sis. Sige na sali tayo, sayang naman kung hindi tayo sasali." Kita mo na may hulian pala yung pagbabalita nya nun e.

"Sige, sama tayo. Alam nyo naman na game na game ako dyan e."

Tamotong si Joana, gustong gusto din pala. Sa una yung main news muna ang sasabihin nya tapos yung side news na para maka oo kami. Napapalak-pak naman sa tuwa si Divine at Lian kaya ayun nag whistle saamin yung librarian.

"Ikaw ba Channy, sama ka?" Baling saakin ni Joana.

"Hindi siguro mga te, knowing kuya di papayag yun." simpleng tugon ko habang ang mga tingin ay nasa ginagawa ko lang.

"Ganito nalang pupunta kami sa bahay nyo at kami mag papaalam." suhestiyon ni Joana na ikinatuwa naman ng iba.

"What time ba?" tanong ni Trisha.

"7 o'clockpm daw ang start ng party casual dress lang naman eh."

"Ok agree punta tayo may invitation na rin na binigay si ma'am saamin kanina." masayang tugon ni Divine.

Pagkatapos ng usapan ay nagpatuloy na kami sa ginagawa. Tumutingin nalang ako sa buong paligid ng library room dahil tapos na ako hinihintay ko lang sila na matapos hanggang sa mapadako ang tingin ko sa gurong seryosong naka upo paharap saakin sa isang lamesa nakatingin ba sya saakin? Bakit parang napaka seryoso nya.

Tinitigan ko ito ng ilang sandali napakunot noo ako ng bigla nya akong inismidan at umalis. Ano ba problema nun baliw na sir Oliver.

•~•

NASA bahay na kami ngayon dahil katulad ng sabi nila kanina ipapa alam daw nila ako sa parents at kuya ko well good luck sure ako na di papayag si kuya knowing kuya mahigpit saakin yun. Kala mo sya magulang ko.

"Kuya Clint pasamahin mo na saamin si Channy." pagmamakaawa ni Joana. Tong si Joana talaga ang mastermind ng lahat. Ewan ko ba kung bakit ganyan kalapad utak ng babaeng 'to.

"Please po sir, ma'am at kuya ni Channy, please." gatong din ng tatlo.

Ako tahimik lang na nanood sakanila at hinihintay ang susunod nilang gagawin. Sana nga mapapayag nila si kuya, gusto ko rin maka experience nung nag p-party sa gabi eh.

"Clint iho pag bigyan mo na ang bunso mong kapatid ngayon lang naman ehh." suhestiyon ni Mama.

Agad naman akong nag puppy eyes kay kuya nung tumingin sya sa gawi ko, cross finger talaga na sana makuha ko sya sa mga pa-cute ko. At syempre dahil cute ako napapayag ko sya, wala pala itong kuya ko eh, lumalambot sa mga puppy eyes ko.

"But girls, im not allowing you to drink."

Nandito kami ngayon sa kwarto dahil inaayusan na nila ako. "OHH! ayan Channy bagay sa'yo." masayang saad ni Trisha habang nakatingin saakin sa salamin.

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon