Page #34

12.6K 218 25
                                    

TATLONG araw na ang nakalipas mula nung pangyayaring iyon at hanggang ngayon ay pinag iisipan ko pa rin ang sagot sa tanong ni Oliver nung gabing iyon. Pero ang sabi din ni Oliver nung gabing iyon ay saka na ako sasagot dahil gusto nya sa espesyal na araw ko ito ibibigay at iyon ay mamaya na magaganap.

Naghahanda ako ngayon para sa lakad namin nina Oliver dahil gusto nya daw na makasama ang anak ko at gawin ang mga bagay na dapat ay ginagawa ng isang ama.

Kanina ko lang din nalaman na si Allen ang tumutulong kay Oliver na makalapit ng patago sa amin ng anak ko. Noong isang araw lang din hiniram ng mga magulang ni Oliver si Via dahil gusto daw nila ito makilala.

Masaya naman ako dahil parang dati nang kilala ni Via sila kung pakitunguan niya ang mga ito. Sina mama at papa naman ay bibisita ang anak ng kaibigan ni papa na si Akhira Del Piero daw yung anak ng namatay na sina Mr and Mrs Del Piero gusto ko rin makilala ang batang i'yon.

Alas tres ng hapon na ng sinundo kami ni Oliver dito pa rin sa condo ni Allen dahil sabi ko sa kanya ay hanggat wala pa akong sagot sa tanong niya ay dito muna kami ni Via.

Kami na ni Via ang lumabas at salubungin nalang si Oliver dun. Lumapit sya agad sa min at hinalikan si Via sa noo saka hinawakan sa kamay at bago pa man ako makapag lakad ay hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa at iyon ay Ang halikan ako sa labi.

Napatingin naman kami Kay Via ng bigla itong pumalakpak sa tuwa.

"Shweyt po si Mimi and Papa, ako lin po kish papa..."
(Sweet po si Mimi and Papa, ako rin po kiss papa...)

Hindi ko rin minsan alam kung saan niya nakuha ang mga ideyang ganyan siguro nga lumalaki na rin talaga sya at mag fo-four na rin next month.

"Oli princess, kakahalik ko lang sa noo mo..."

Natatawang turan ni Oliver saka muling hinalikan si Via sa noo at hinawakan ako sa kamay at sabay na naglalakad papuntang sasakyan.

Si Oliver lang ang tumatawag kay Via na Oli dahil gusto nya naiiba daw ang tawag nya sa anak namin na sobrang nagustuhan ng anak ko. Unang pinapasok ni Oliver si Via sa backseat susunod na rin sana ako papasok kay Via nang pigilan ako ni Oliver at hinila papasok sa passenger seat kaya hindi na ako kumontra pa.

Mahigit dalawang oras din ang byahe bago kami nakarating sa aming destinasyon. Nang mai- parke na ni Oliver ang sasakyan ay mabilis na nagpumilit si Via na lumabas kaya agad siyang binabaan ni Oliver at kinbuha ito galing sa backseat hindi ko na hinintay na pag buksan ako ni Oliver ng pinto kaya bumaba na ako, pagka baba ko ay nakita ko naman na umiling lang sya sa ginawa ko hindi nya siguro nagustuhan na bumaba na ako.

Ngayon ko lang napansin na nasa theme park lemery Batangas pala kami dahil medyo malamig dito kaya pala sinabi ni Oliver na magdala ako ng extra clothes para kay Via for emergency.

Nagtungo kami sa loob at magugulat ka na lang sa napakalaki na loob nito. Mula sa pagkakahawak ko kay Via ay bumitaw ito at nagtata-takbo sa bawat makikitang kakaiba sa kastilo na ito.

Hahabulin ko na sana sya nang bigla akong hawakan ni Oliver sa kamay kaya napatigil naman ako.

"Let her roam around..."

"Pero baka maw--

"No she won't missing, it's safe here inside, it's okay..."

Mr. Professor Sweetest Addiction (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon