08 - Illicit

14.3K 410 225
                                    



"Happy third anniversary, babe." masaya pero malungkot na bati ko kay Belle sa ika-limang beses mula sa screen ng phone ko.

"Happy anniversary again, baby." ganon din siya. Pinag-halong lungkot at saya ang boses habang nakatingin sakin mula sa screen ng kanyang laptop. Mag-aapat na oras na kaming nag-uusap sa skype at tulad ng inaasahan ko'y nauwi lang sa iyakan ang lahat. We really missed each other so bad.

"I'm really sorry, Cara." naiiyak ulit na sabi ni Belle habang pinahid ang ilang luhang kumuwala sa mata niya.

"Babe, please kanina ka pa umiiyak. Tama na." hinaplos ko ang screen gamit ang thumb ko na para bang pinupunasan ko yung pisngi niya.

"Sana hindi ka magsasawa sa sitwasyon natin. Please do wait for me. Konting tiis na lang, uuwi nako at babalik dyan." dagdag pa niya habang humihikbi pa rin.

"I won't get tired, babe. Pangako, maghihintay ako sayo. Wag ka ng umiyak."

Isabelle stop from crying and let out a soft smile. My heart instantly melted. Kahit namumula ang ilong niya ay maganda pa rin. Oh how i missed her face.

"I love you babe." puno ng pagmamahal na sabi ko.

"I love you too, baby." sagot niya rin sa akin.

"Lagi akong mag-uupdate sayo, promise."

"Aasahan ko yan. I trust you."

Matamis ko siyang nginingitian bago hinalikan ang screen ng phone ko. She did the same, she even made a kissing sound of it. We exchanged more I love you's before bidding each other goodbye. Mabigat ang loob na inoff ko ang phone ko saka tumayo at bumalik na sa kwarto.

I feel sad again after staring at my bed. I used to see my girlfriend lying there, waiting for me to crawl my way into her and wrap my body around her softness while inhaling her sweet scent.

Humiga ako saka mahigpit na niyakap ang unan. I imagine this pillow as her, hugging her so tight after our mind-blowing love making.

Matutulog na sana ako nang biglang may nag-doorbell. Bumuga ako ng marahas na hininga saka inis na bumangon. Tinungo ko ang living room at sumilip mula sa peephole para alamin kung sino, pero ganon nalang ang gulat ko nang makita si Leighton sa labas. What the hell? Paano niya nalaman dito ako nakatira?

"Leigh?" wika ko matapos siyang pagbuksan ng pinto.

"Hi." bati niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? How did you know my place?"

"Your friend, Czarina told me yesterday."

I slightly clenched my jaw. Bwesit talaga ang isang 'yon kahit kailan! "Si Cza mismo nagbigay sayo or....what?"

"I actually forced her to tell me." tila natuwa pa siya sa ginawa niya.

"Uhm, actually aalis ako ngayon." pagdadahilan ko. I need to avoid her!

"Oh ganon ba?" halatang disappointed siya.

"Yeah, i'm sorry. Maybe we can talk some other time perhaps?"

"Sasama na lang ako sayo." suggest niya.

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon