11 - Back together

14K 440 270
                                    

Cara



"What the fuck, Cara. Huwag mo nga akong isali dyan sa problem mo." padabog na reklamo ni Czarina matapos ko siyang puntahan dito sa condo niya.

"Cza, please. Nasabi ko na kay Belle 'to kahapon. Sige na, palit muna tayo ng unit."

"Tanga mo rin kasi eh! Ba't mo naman pinatos ang babaeng 'yon?"

"I was wrong, pinag-sisihan ko talaga yun."

"Che! Kati mo. So, ano mag-evacuate na ba ako ngayon?"

"Kung pwede lang, oo."

"Ka yawa jud nimo uy." inis na sabi niya pero wala akong maintindihan.

"Mag-dala ka ng mga damit mo saka ibang importanteng gamit." tugon ko pa.

"You better fix this shit, Cara. Hindi ko naman akalaing gagawin mo yung mga pinag-sasabi ko sayo. I was just joking around, ba't mo naman sineryuso?"

"I was tempted." kagat labing pag-amin ko.

"Tempted yang mukha mo, maharot ka lang talaga. What you just did was considered as cheating."

"I know. I really regret it."

"Dapat lang. Belle doesn't deserve to be cheated. Ang bait niyang tao tas gagaguhin mo lang ng ganun?"

"It was my mistake."

She glared at me. "Cheating is never a mistake, it's a choice. At choice mong makipag-chukchakan sa Leigh na yun. Walang valid excuse yan, tangina mo.

"Will you just hurry up and pack your stuff already?"

"Nawng aning ge atay, paghulat diha uy!" aniya sabay talikod saka pumasok sa kanyang kwarto. Hindi nag-tagal ay lumabas na rin siya bitbit ang traveling bag at malaking maleta.

"Ang dami mo namang dala."

"Malamang, doon nako titira eh." puno ng sarkasmong sagot ni Cza. "Kapag ako nadamay sa gulo nyo, i swear to god Cara. Ipapa-ihaw kita."

"Cza, ikaw lang talaga pwede kong lapitan ngayon. Sam doesn't want to help me."

"Eh si Trixie?"

"Wala akong maasahan 'don. Takot rin yun kay Ava."

"Hays! buhay under nga naman." aniya sabay iling.

"That's why i need your help on this one." pagsusumamo ko.

"Wag kang sad girl jan, hindi bagay sayo. Dapat nga isumbong kita kay Georgina eh. Para matikman mo rin ang bagsik ng words of kamatayan niya."

Hindi ko na siya pinansin, nauna na akong lumabas hanggang sa marating namin ang parking lot at sumakay sa kani-kaniyang sasakyan at nagtungo sa condominium building na tinitirhan ko. 

"Wag kang magkakamaling magdala ng babae dito, Cza." mahigpit na bilin ko pagpasok namin sa unit ko.

"Duh hindi kaya ako nagdadala ng mga babae sa condo."

"Whatever, basta kapag pumunta ulit dito si Leigh. Sabihin mo lumipat na ako at hindi mo alam kung saan. Do you understand?"

Czarina rolled her eyes. "Fine."

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon