Isabelle
2 years later, Seoul, South Korea"Are you ready?" excited na tanong sakin ni Ryuu mula sa labas ng recording studio. Nasa tabi niya ang kilalang music producer at audio director na si RKwon habang nasa kanyang likod naman ang cute na si Ailee.
"Yes i am." nag-thumbs up ako.
Nagbigay ng cue sign si Ryuu sa mga staff bago pumainlang sa suot kong headphone ang isang malamyos na instrumental music.
I looked at my daughter with so much love as I started to sing on the mic. Ang adorable nitong tignan sa suot na teddy bear outfit. The song is dedicated for her.
Today is my last day as a talent here in RVD Entertainment. Matapos ang dalawang taong kontrata ko sa kompanya ay napag-desisyonan kong huwag na mag-renew. Although nag-offer ulit sila sakin para mag-stay, ngunit magalang ko yung tinanggaihan sa kadahilang gusto ko munang mag long break.
Ryuu respected my decision, he's now the CEO of the company. Sabi niya bukas pa rin ang RVD anytime para sa akin. He's really the best boy bestfriend i ever had. Hindi man kami nauwi sa isang romantic relationship ay nauwi naman kami sa pagiging mag-bestfriend at pagiging future brother in law ko. Yes, he is gay and he's currently and secretly engaged to my brother Ivan. Iba talaga ang takbo ng panahon noh? Masaya ako para sa kanila.
And as for my adopted daughter, Ailee. She's already two years old now. Si Ryuu at Ivan ang tumatayong ama nito. They love her like their own child. Hindi ako nahihirapang palakihin ito nang mag-isa noon dahil sa tulong nila. I'm really grateful for them. Gustong-gusto din nila itong sini-spoil to the point na nagiging spoiled brat na rin. Minsan talaga gusto kong pag-uumpogin ang dalawang 'to.
Everything was fine in the past two years. Nakilala ako nang husto sa south korea hindi lang bilang isang mang-aawit, kundi isa na ring actress. I landed my first k-drama role eight months ago, at nasundan pa 'yon ng tatlo. It was fun and challenging, isa yun sa mga memorable experiences na babaunin ko habambuhay.
"That's a wrap, good work everyone." masayang hayag ni Ryuu pagkatapos ng recording. He proudly clapped his hands as he glance at me. Agad kong hinubad ang suot na headset at ngumiti ng malawak.
"Was it good?" tanong ko.
"Of course it is, ikaw pa? Ang galing mo kaya."
I gave him a flying kiss for his complement. "Thanks, Ryuu."
Pumasok sa loob ng recording studio si Ailee at mabilis na pumatong sa swivel chair para magpabuhat sakin. "Mommy, carry me."
Mahina akong natawa saka ito binuhat. "Baby you're a big girl now, you're already heavy."
Ailee pouted and made a sad face. "But I'm still a baby, mom."
Gigil ko siyang pinugpog nang madaming halik sa pisngi. Ever since Ailee was born, she had become my strength and inspiration. Sa kanya ko lahat binubuhos ang pagmamahal na meron ako. It's what she deserves after being heartlessly disowned by her own mother. Hanggang ngayon ay galit parin ako sa kapatid kong si Iris dahil sa pag-aabandona nito sa sariling anak. Nasa states na ito kasama ang asawang si Woobin. Hindi pa kami nag-uusap at wala rin akong balak kausapin ito dahil galit ako rito.
"I love you." i gently pinched Ailee's tiny nose. "Kiss mo nga si mommy dali."
Ailee cupped my face and kissed my lips three times. "I wuv you too, mommy."
Masuyo kong hinaplos ang kanyang buhok. She may not came from my womb but I treated her like my own daughter. Mahal na mahal ko ito, pero minsan di ko maiwasang ma-guilty. Walang nakaka-alam sa kanya maliban sa pamilya namin, si Ryuu at ilang malalapit at mapagkakatiwalaan naming kakilala. Not even my friends in the philippines, wala silang alam na may anak ako. Gustohin ko mang-i-annouce sa publiko ang tungkol kay Ailee ay natatakot din ako sa magiging epekto 'non sa career ko. Masyadong harsh at mapang-husga ang ilang korean netizens at korean media, walang sinasanto mapa-bata man o matanda. Natatakot ako dahil baka maging sentro ng usapin si Ailee, she's too young for that.
BINABASA MO ANG
Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️
Romantizm~ COMPLETED ~ Elite series (3) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or d...