28 - Happy ever after

18.6K 546 135
                                    

Cara



Sa Kidzooona kami pumunta. Isa yung indoor arcade zone para sa mga batang nasa edad 2 to 8 years old. Akala namin chill at makapag-relax kami dito pero salungat yun sa expectations namin. It was a total disaster!

The trio, Shannon, Flynn & Ailee has been running around the place. Napapagod na kaming habulin at suwayin sa mga ito. Daig pa kaming nag-work out dahil sa matinding exhaustion. Kung hindi tatakbo, aakyat ang mga ito sa railings. Minsan pa ay tatalon sa mga matataas na bahagi ng arcade. Kapag pipigilan naman ay iiyak ng malakas kaya no choice kundi hayaan na lang. Damn, having kids is no joke at all.

Pasalampak akong nakaupo sa floor-mated na sahig habang sila Samantha at Trixie naman ay parehong nakahiga. Mag-iisang oras palang kami dito pero ubos na agad energy namin. I never feel so drain all my life.

"Remind me not to come back here ever again." hingal na reklamo ko sa dalawa.

"Same. This place is pure hell. Sana di na lang tayo dumaan dito kanina eh." reklamo din ni Trixie habang mima-massage ang binti.

"Sana nag movie marathon na lang tayo." puno ng pagsisisi na sabi ni Sam. It was her idea to bring the kids here.

"You should've thought that earlier." asik ni Trixie rito. "Ang sakit tuloy ng mga paa ko."

"Malay ko bang ganito sila kakulit? I told Shannon to behave before we left the house."

Sinulyapan ko ang kinaroroonan ng mga bata.
Kasalukuyang pinag-aagawan nila Flynn at Shannon si Ailee. It's a never ending love triangle drama for them.

"Showing pa ba ang Frozen 2?" mayat-mayang tanong ni Sam.

"Parang." sagot ko.

"Tara." bumangon ito. "Let's bring the kids there. Gusto kong umidlip sa sinihan. I'm really tired."

"Me too. But my legs are sore. I feel like I won't be able to walk." reklamo parin ni Trixie saka bumangon din at confused na tinignan ang buong arcade. "Bakit parang tayo lang yung nandito?"

"I rented the whole place the moment we came in." imporma ko sa kanya.

"Jeez no wonder silang tatlo lang yung naglalaro." sabay lingon sa kinaroroonan ng mga bata na ngayon ay pinag-aagawan ang isang unicorn na stuffed toy.

"Tatlo nga lang sila pero nakaka-stress na. Daig pa tayong mga yaya neto eh." sabi ni Sam. "Buti at pinayagan ka ni Belle na isama si Ailee. Kayo na ba ulit?"

Umiling ako pero nakangiti. "Di pa, pero dyan din naman kami hahantong." confident kong sagot.

"I'm happy for you." tinapik ni Trixie balikat ko. "Sana tuloy-tuloy na yan."

"Same to you." sagot ko rin dito, nagkabalikan na din kasi sila ni Ava.

"I always knew you and Belle will end up together." wika sakin ni Sam. "Wala ka naman kasing naging karelasyon nung naghiwalay kayo eh. I really admire your patience towards her. Di tulad ng isang 'to." sabay turo kay Trixie. "Ang gulo ng love story mo. Masyadong madrama."

Trixie rolled her eyes. "Stop recalling that. Ang importante maayos kaming naghiwalay ni Lovely at wala siyang sama ng loob sakin."

"Di ka sure dyan. Di mo alam baka kinulam ka na 'non." biro ko.

Trixie shook her head. "Lovely is a very nice woman. Hindi 'yon nagtatanim ng galit. Mahinhin at mataas ang pag-unawa niya. She's really an angel." kapagkuwan malungkot siyang bumuntong-hininga. "I'm still guilty for what I did to her though."

"You made the right decision." komento ni Sam. "It would be unfair on her part kung tinuloy mo yung kasal nyo knowing that na fall out of love ka na."

Trixie sighed. "She deserves someone better."

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon