Cara
"How was it?" agad na tanong sakin ni Czarina pagkatapos kong mag overseas call kay Belle.
"She ended it." depressed at problemado kong sagot. "I'm more desperate than i'm already am, Cza. Gusto ko siyang sundan sa south korea pero saang parte ba siya ng bansang yun? I have no information for pete's sake. Halos lahat ng mga kakilala niya dito sa pilipinas ayaw sabihin sakin kung nasaan siya. Tapos yung iba naman walang ka alam-alam na umalis pala siya. Darn it, ma-memental na ako."
Czarina sighed. "I'm sorry kasi hindi kita matutulongan dyan. Pero diba magkikita din naman kayo sa kasal nila Sam at George sa california?"
"Oo, pero hindi na ako makapaghintay dyan, next month pa yung kasal nila Sam."
"Then what are you gonna do now? Hindi naman pweding luluwas ka papuntang korea na walang info. Hindi mo rin kabisado ang bansang 'yon, masasayang lang efforts mo. Or worst, baka mawala ka pa."
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang bugso ng aking damdamin. I've been crying for weeks now, halos hindi nako lumalabas dito sa condo ko pagkatapos kong ayusin ang problema ko kay Leigh 'nong nakaraang linggo. I successfully filed a restraining order against her, hindi na ito makakalapit pa sa akin, hawak na ito ng abogado ko. I also filed a harassment case as well. May bad record na pala ang babaeng 'to noon pa man sa kaparehong sitwasyon. No wonder parang hindi ito takot nung sinabihan ko itong mag fifile ako ng kaso, sanay na pala ito noon pa man. Supposedly ayoko na sanang palakihin 'to pero sa ginagawa nitong pang-haharass at pang-threat kay Belle ay nag-pasya akong ituloy na lang. So far na settled na. Thank god for that.
Ang tanging pinu-problema ko na lang ngayon ay yung sa'min ni Belle. Malaki parin ang paniniwala ko na kaya ko siyang amuhin. I know deep inside she still loves me and I'll do whatever it takes just to get her back to me. Saka na ako susuko kapag may iba na siya at ikakasal na. For now, i'm going to pursue her. Babalik ako sa umpisa, liligawan ko ulit siya tulad ng dati, i'll make her fall for me all over again. At kung sakali mang bibigyan niya nako ng second chance, papakasalan ko agad siya deretso. Ganon ko siya ka-mahal. How i wish these would happen.
"I'll talk to Belle's manager instead. Baka sakaling matutulongan nya ako."
Napailing na lang si Czarina bago tumayo at tinungo ang pinto. "Good luck sayo, Cara. Ge, alis na ako. Good night."
Tinangohan ko lang ang kaibigan at tipid na nginingitian. Pag-labas nito sa unit ay pasalampak akong humiga sa carpeted na sahig at napatitig sa kisame habang nagiisip ng paraan kung paano kumbinsihin ang manager ni Belle na si Tita Cheng na ibigay sakin ang kanyang address sa south korea. Sigurado akong may alam ito. Di bale, pupuntahan ko ito bukas sa IBN.
********
Kinabukasan ng hapon, pagkatapos ng personal kung lakad, nagtungo ako papuntang IBN Network. Agad kong nakita si Tita Cheng sa opisina nito habang kausap ang isang talent. Nag-hintay ako saglit bago ito nilapitan.
"Oh, Cara. Naparito ka?" tanong nito pagupo ko sa visitor's chair.
"Tita, i badly need your help right now."
Agad nagbago ang expresyon nito. "Kung tungkol 'to kay Belle then i--"
"Tita, please. Hindi ko na matiis, gusto ko na siyang makita at makausap." putol ko sa ibang sasabihin nito. "Pupuntahan ko siya ngayon mismo. Magpapa-book agad ako ng flight tapos--"
BINABASA MO ANG
Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (3) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or d...