06 - LDR

17.4K 614 147
                                    

Present year....2016



Cara


"What? Akala ko ba ngayong buwan ka uuwi? Ano na naman ba yang rason ng manager mo at di ka niya pauuwiin dito?"

"Baby, please calm down. Ako din naman, hindi ko inexpect na mag-e-extend pa pala 'to."

Great! Napabugha ako ng hangin saka pabagsak na umupo sa kama. This is the third time that happened to us. It's frustrating!

"But babe you told me na ngayon ka uuwi."

"I know and I'm sorry. It's my manager's decision. 3 months lang naman yung extension e, and after that makakauwi na ako dyan sa pinas."

"Another 3 months?" di makapaniwalang bulalas ko. "Pero ang tagal pa 'non! October na ngayon, ibig sabihin maghihintay pa ako ng January bago ulit tayo magkita?"

"Cara, please understand me. Alam mong hindi ko hawak ang oras ko."

I heaved a sigh. "Belle, I understand you okay? Lagi kitang iniintindi, pero hindi ko gusto yang ginagawa sayo ng manager mo. Hindi ka niya binibigyan ng break at nag-aalala na ako sayo."

"Baby, please don't worry about me. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko."

Napabuntong-hininga ako. "So kung ganon hindi na naman natin ma-celebrate yung anniversary natin?"

Saglit natahimik si Belle sa kabilang linya. I have a bad feeling about this.

"I-i'm sorry." she answered in a sad tone. Bagsak pareho ang mga balikat ko.

"So for the 3rd time hindi?" puno ng tampo ang boses ko. "Paulit-ulit na lang ba 'to, Belle?" I silently groan in frustration. "Hindi natin na-celebrate yung 1st year anniversary natin kasi busy ka, nangako tayo sa isa't-isa na babawi sa 2nd anniversary pero hindi rin yun nangyari kasi 'di ka makauwi dahil ulit sa trabaho mo. Tapos ngayon sa 3rd aniv natin yun parin? Hanggang kailan ba tayo ganito? Don't tell me next year sa 4th year anniversary natin ganito parin tayo?"

"Cara please calm down. Sa tingin mo ba ginusto ko 'to?"

"Hindi. Pero miss na miss na kasi talaga kita eh. 9 months na tayong 'di nagkita tapos ngayon may dagdag pang 3 months, e di mag-iisang taon na. Tsk kainis naman kasi yang manager mo, 'di makatarungan yang ginagawa nya sayo. Mahirap ba sakanya ang bigyan ka nang kahit isang linggong break? She's controlling you and that's not fair."

"I'm really sorry." she said in a sincere apologetic voice.

Muli akong napabunong-hininga. "Hindi naman kita masisi....ang sakin lang naman ay na miss kita ng sobra, yun lang."

"Me too, na miss na din kita ng sobra. Pero di bale babawi ako kapag nandiyan nako. Just also promise that you'll wait for me."

"Hindi naman ako mapapagod na hintayin ka."

"Talaga lang ha?"

"Oo, saka good girl din ako dito. Huwag kang magalala." assured ko.

"That's good enough to hear. Anyways I better get going. May tatapusin pa akong rehearsals. Take care okay? I love you."

Muling binalot ng lungot ang puso ko. I don't want to end our conversation yet dahil sobra ko siyang na-miss pero wala akong magawa dahil may trabaho siya. "Sige, mag-ingat ka rin. I love you more."

Pinutol na ni Belle ang kabilang linya habang ako naman ay tumayo saka nag-bihis. I decided to go at Maxines.

Pagdating ko naturang resto-bar ay deretso agad ako sa usual table naming magkakaibigan. Nadatnan ko doon sila Czarina at Trixie na masayang nag-uusap.

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon