22 - Hello again

15.6K 538 225
                                    

Isabelle



"I really can't accept it, guys. Masyadong masakit."

After arriving here in the Philippines, pagkatapos ng masayang reunion naming magkaibigan, nauwi sa isang dramatic moment ang bonding namin kung saan si Ava ang nasa spotlight. Halos magkasabay lang kaming dumating sa pinas pero mas na-una lang siya ng ilang araw keysa sa akin. But unlike her, wala akong dalang problema sa paguwi ko dito. Hindi tulad niya na parang pasan ang bigat ng mundo. Pinuntuhan ko siya kanina sa bahay niya kung saan kami una nagkita at nag-usap.

Nandito na kami ngayon kina Georgina kung saan ito ang nag-organize nang mini welcome back party para sa akin. But instead of having a crazy fun evening, heto kami't kino-comfort si Ava dahil sa pagiging broken hearted niya. Nasa kabilang dulo ng couch sila Lindsay at Themarie na tulad koy tahimik lang na nakikinig sa mga kwento niya. She has been crying none-stop and I'm honestly worried for her.

"Ano ba yan, hindi ba uso sayo ang salitang moveon?" tanong sa kanya ni Georgina. "Gawin mong inspiration si Belle oh. Look at her, she's single yet happy."

Ava tearfully glared at Georgina. "Bitch, you've been in my shoes before. Sa tingin mo ba madali lang i-handle 'to?"

"Hindi, but we have a different case. Walang fiance si Sammie pagbalik ko dito ng pinas. Flings lang, pero inaway ko lahat."

Ava cried again, louder this time. Napapailing na nilapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi. I gather her in my arms and wiped her tears away.

"Shhh, that's enough. Magkaka-sakit ka sa puso niyan. Kanina ka pa umiiyak eh" hinagod ko ang kanyang likod.

"My heart is already broken, Belle."

Umupo si Georgina sa kabilang side ni Ava at niyakap din ito. "You'll find someone better, babe. Madaming willing pumalit sa pwestong iniwan sayo ng ex mo. Huwag ka nang umiyak. Baka makita ka nang anak mo."

Ava finally stopped from crying. Pilit ang kanyang ngiti habang nakatingin sa amin. Pinunasan ko ang ilang butil na luha sa pisngi niya bago ulit siya niyakap.

Si Lindsay naman ay tumayo bitbit ang dalawang bottle ng wine. "Okay enough with this crying session. Nandito tayo para mag-saya. Come on now, let's get drunk tonight."

"I'll pass, Lind. Kasama ko si Flynn."

"Me too, i'm with Ailee." Alam na nila ang tungkol sa anak ko. Nagulat silang lahat pero agad ko ring inexplain sa kanila ang totoong nangyari.

"How about you, George?" Lindsay asked.

"Alam mong hindi na ako umiinom ng alak. Shannon hates alcohol scents."

"Ano ba yan, nag-ka anak lang kayo ang killjoy nyo na. Bawal bang sumimsim kahit kaunti?

"Oo nga. Unfair naman kung kami lang ni Lindsay ang iinom." segunda ni Themarie.

"Speaking of anak, look at our daughters." itinuro ni Georgina ang garden na malapit sa pool. Agad namin itong sinundan ng tingin. Hindi madilim ang paligid dahil napapalibutan ang buong garden ng ultra head lightings. Malawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.

"Cutieeees." gigil na komento ni Themarie. "Parang bigla ko tuloy gustong mag-ka anak. Ang sarap siguro sa feeling pag may tumatawag sa akin na mommy noh?"

"Ba't ayaw mong magpabuntis?" tanong ni Georgina.

"Duh, i'm single as fuck."

"You're not getting any younger, thems." sabi ko naman. "Mahirap kayang manganak kapag nasa late thirties na."

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon