10 - Lies

13.7K 391 157
                                    

Isabelle




"Thank you so much, Tita!" masayang tili ko sa manager kong si Tita Cheng pagkatapos nitong sabihin sakin na pwede na daw akong umuwi ng pinas. Hindi ko ini-expect 'to dahil buong akala ko ay sa susunod pang mga buwan. Mukhang nagbago na ang isip nito. Gosh, I'm so happy right now!

"You deserve a break, dearest. I've seen you work a lot. Naka-handa na rin yung plane ticket at passport mo." dagdag ni Tita Cheng na mas lalong ikina-excite ko.

"Kung ganon kailangan ko ng mag-handa." hindi ko maiwasang maging emosyonal. It's been so long since I saw my family. Daig ko pang nag-layas ng ilang buwan dahil sa trabaho ko. I miss hanging out with them, especially my friends. And of course my girlfriend too. Speaking of it, I need to call Cara right now. Sigurado akong matutuwa siya sa ibabalita ko. Matagal niya ng hinihiling sakin 'to.

"Bukas ng alas diyes sa umaga ang schedule ng flight mo, Belle. Mag-impake ka na at magpahinga." tugon pa ni Tita Cheng na sinagutan ko lang ng masayang tango bago nag-paalam at dumeretso sa hotel suit para tawagan si Cara sa skype.

Malaki ang ngiti ko habang excited na pumuwesto sa couch at hinintay siyang sagutin ang tawag ko. Hurry up, baby. Pick up the call.

"Babe," sa wakas sinagot na ni Cara ang tawag ko.

"Hi baby. Guess what?"

"Ano 'yon, babe?"

"I'm finally going home!" masayang balita ko. "Bukas ng umaga flight ko pabalik dyan. Sunduin mo ako sa airport ha?"

"Babe, please tell me hindi scam yan. Kasi nung huling sinabi mo yan sakin hindi pa natuloy. Ayokong umasa ulit."

Mahina akong natawa. "Baby, it's not a scam. Tignan mo 'tong hawak ko." ipinakita ko sa kanya mula sa screen ang plane ticket at passport ko. "I'm going home for real this time."

Ilang beses siyang kumurap-kurap, ilang sandali pa'y tumili siya ng malakas. I knew she would react like this.

"Anong oras ba kitang susundoin sa airport?"

"I'll text you when I arrived, ayokong maghintay ka ng matagal sa labas ng airport."

"Babe, nakaya kitang hintayin ng ilang buwan. Ilang oras pa kaya? Baka nga mamayang madaling araw nasa airport nako at mag-aabang sayo eh."

Agad akong kinilig sa sinabi niya. Tatlong taon na kami pero hanggang ngayon nandito parin yung kilig sa puso ko sa tuwing bumabanat niya. She never fails to make my heart flutter. Mas lalo tuloy akong nasasabik na makita siya. I really miss everything that we do together and I can't wait to see her when I get home.

"Ten am yung departure ko dito. Three hours and 35 minutes yung flight, so probably around two in the afternoon ako dadating dyan."

"Great!" masayang sagot ni Cara. "Magkikita na ulit tayo sa wakas. I love you, babe."

"I love you too, baby." buong pagmamahal kong sagot bago hinaplos ang screen ng laptop. "Nasaan ka ba ngayon, ba't parang nasa labas ka?"

"Uhm nandito ako kina Sam. May pinag-usapan lang kami kanina." binaligtad niya ang camera ng kanyang cellphone para ipakita ang bahay nila Samantha at Georgina bilang patunay na nandoon siya.

"Oh alright, tell them and the rest of the squad that i'm coming home."

"I will babe." nakangiting sagot niya, kapagkuwan naghesitate. "Uhm babe, may importante akong sasabihin sayo."

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon