24 - Attachment

16.6K 511 46
                                    



Hindi natuloy ang dapat sana'y date namin ni Belle kagabi dahil nakabantay sarado sa'min si Ailee. Ayaw niyang ipahawak sakin ang mommy niya to the point inaaway niya ako which is tinatawanan ko lang. I adorably love how possessive and over protective she is towards her mother. Napaka-cute niya kasing tignan, pero sa sobrang higpit niya ay hindi na'ko maka-porma kay Belle.

Awkward akong nakatayo ngayon sa harapan ng isang malaking shelve sa loob ng toy store habang namimili ng iba't ibang klaseng laruan. Sa sobrang daming naka-display ay halos di nako makapili kung alin sa mga ito ang magugustohan ni Ailee. Kanina pa ako naglilibot pero hanggang ngayon ay wala pa akong nabili. Hays, ang hirap palang maging instant mommy.

Naglakad ako sa kabilang shelve at tinignan ang mga laruang naka-display. Gosh, I don't know anything about kid stuff. Malay ko ba kung magugustuhan 'to ni Ailee? I want to surprise that kid, baka sakaling lumambot na ang puso niya sa akin.

Ni-libot ko ang buong toy store hanggang sa tumigil ako sa harap ng mga plushies. Kumuha ako ng isa at pinagmasdan yun.

"Will Ailee even like this?" i asked myself while staring it. "I feel like she won't, may ganito na siya eh." Ibinalik ko nalang ang plushie sa lalagyan at tinungo ang kabilang shelve. I spend almost half an hour looking at each toys pero wala talaga akong makitang swak sa panlasa ni Ailee. I need some freaking help on this.

I grabbed my phone and called Trixie. Expert 'to e.

"What?" sagot nito sa kabilang linya.

"Noong nilagawan mo ba si Flynn para kunin ang loob niya, anong ginawa mo?" agad kong tanong.

"Why the fuck are you asking that?"

"Just answer me, quick."

Matagal bago sumagot si Trixie. "Bakit gusto mong kunin ang loob ni Flynn? Are you going to court her mom?"

"Tanga, hindi."

"Eh ba't ka nagtatanong?"

"I'm courting Belle's daughter, Ailee."

"Huh, may anak na si Belle?" she sound surprised.

"It's a long story. So ano nga? Anong ginawa mo para makuha yung loob ng anak ng ex mo."

Saglit itong nag-isip. "I bought her toys, foods and i date her around the amusement park. Basta madami......na miss ko tuloy bigla ang batang yun."

"Anong klaseng laruan ba? Nandito ako ngayon sa Toy store eh."

"Just buy her anything, kids can't say no to toys. Tapos bilhan mo rin ng Happy Meal sa Mcdo."

"Yun lang?"

"Yeah, that's all."

"Sigurado ka dyan ha?"

"Oo nga. Try mo."

I sighed and took a glimpse of the giant teddy bear beside me. "Fine, i'll do it."

"Good luck!" inend na nito ang tawag.

Kinuha ko mula sa rack ang malaking teddy bear at dinala iyon sa shopping cart. I randomly pick toys from each shelves hanggang sa mapuno ang cart at mabayaran. Nagpatulong ako sa bagger boy idala ang mga pinamili ko sa trunk ng kotse dahil sa sobrang dami. I then drove my way to the nearest McDonalds and bought a happy meal through drive-thru. Dumeretso agad ako kina Belle pagkatapos at pinagbuksan ako ng kanilang mayordoma pagdating ko.

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon