Isabelle
Singapore, 7:30 PM.
"Kailangan matapos natin 'tong sched sa araw na'to para sa ganon hindi ma-high blood si madam. Dios ko, ayaw ko pa namang magalit yun, nakaka-bad vibes."
Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi ng baklang stage director na si Alora, nanatili lang akong nakapikit habang nakahiga sa malambot na sofa. Katatapos lang ng rehearsals at kailangan ko munang magpahinga dahil sa sobrang pagod.
"Ano, Belle. Kaya pa?"
I gazed at him. "Ang alin?"
"Etong pinangagawa mo sa sarili mo. Ano, kaya pa?"
I sighed and forced a smile. "Kakayanin."
"Sus, kung ako ang tatanungin mo? Ayoko na noh! Nakakapressure kaya, my god!"
"I have no choice, this is part of my job."
"Kung sabagay, bilang mang-aawit pressure talaga lalo na kung nasa kalagitnaan ka ng concert tours. Pero naman, duh! Nakakapagod pa rin noh."
Napabuntong-hininga ako saka bumangon. "Gusto ko nang umuwi ng pinas." Malungkot na hayag ko.
"Let me guess, gusto mong umuwi kasi miss mo na naman yung girlfriend mo, am I right?"
Malungkot akong tumango. "I miss her."
"I knew it. Alam mo, bilib talaga ako sa relasyon nyo ni Cara. In fairness ha, ang strong niyo parin kahit ang layo niyo sa isa't-isa."
"We love each other that's why."
"Yun lang, love lang?"
"We also trust each other." dagdag ko pa.
"Ayan na nga ba eh. Naku, naku, naku, Isabelle Choi. Ingat ka sa salitang trust na 'yan. Hindi gaanong healthy 'yan."
"What do you mean?" Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.
"What I mean is, madaming nasisirang relasyon ng dahil dyan."
"Dahil sa trust?"
"Yep," he nodded. "Kaya wag ka masyadong magtiwala kasi hindi lahat deserving pagkatiwalaan. Minsan kasi kung sino yung lubos mong pinagkatiwalaan ay siya pa mismong mangta-traydor sayo."
I look seriously at him. What is he trying to point?
"What? Totoo naman ah, trusting too much can kill you." he added.
"So you're trying to say that, hindi ko dapat pagkatiwalaan yung girlfriend ko kasi it can kill me? Ganon?" sarcastic na tanong ko.
"Malay mo baka niloloko ka na 'nun, baka nga may iba na siya ngayon eh."
I rolled my eyes at him. "FYI, Cara will never do that. She won't dare cheat on me."
"And how sure are you? Mag-iisang taon na kaya kayong di nagkikita saka napansin ko minsan lang din kayong naguusap over the phone. Like once a month? Baka nag-sawa na 'yon sa sitwasyon nyo."
Natahimik ako. Baka nag-sawa na 'yon sa sitwasyon nyo.
Paulit-ulit yung nag-replay sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nahintakutan ako bigla sa sinabi ni Alora. Madami akong pagkukulang sa relasyon namin ni Cara at hindi impossibleng mangyari yun.
No. Agad kong ipiniling ang ulo ko saka tumayo.
"O, saan ka pupunta?" tanong ni Alora sa akin.
"Pupuntahan ko si Tita Cheng, I'll convince her na pauwiin na ako."
"Eto naman natakot agad sa sinabi ko. Binibiro lang naman kita eh,"
BINABASA MO ANG
Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (3) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or d...