Cara
"Sorry, miss Cara. Pero ayaw ka parin pong kausapin ni Ma'am Isabelle." sabi ng guard paglabas nito sa gate ng bahay nila Belle.
Agad akong nalungkot at nawalan ng lakas. Ilang araw na akong pabalik-balik dito dahil hindi ko siya magawang matawagan dahil naka-block yung number ko sakanya at pati narin sa social media.
I understand why she did this. I hurt her so badly and she's mad at me as well. Hindi ko siya masisisi pero masyado nakong desperadang kausapin siya.
Halos hindi ako makatulog sa gabi dahil sa kakaisip sakanya. I'm more guilty for what I did. Gusto ko siyang suyuin pero hindi ko magawa. I even tried to reached out for our friend's help pero kahit ang mga ito ay galit sakin maliban kina Sam, Trixie at Cza.This is exactly what i'm afraid of, and it finally happened.
"Manong, pwede ba akong pumasok sa loob?" hopeful kong tanong. I'm really desperate right now.
"Pasensya na po, Miss Cara pero kabilin-bilinan ho sakin ni Ma'am Belle na wag kayong papasokin."
Bagsak pareho ang balikat ko at hindi maiwasang manlumo. "S-sige po. Babalik na lang ako bukas."
Tumalikod nako at walang buhay na sumakay sa loob ng sasakyan. I closed my eyes and cried silently. Ang huling pag-uusap namin ni Belle ay yung nasa Maxine's kami. That was the time when I told her the truth about my affair. Sinundan ko siya sa loob ng Maxine's pero hindi ko siya magawang malapitan dahil hinarangan ako nila Georgina at Lindsay na kulang nalang ay ilibing ako ng buhay. They were so angry that they slapped me twice right in front of Belle. I don't have any complains for what they did dahil deserve ko ang galit nila. Ang tinging nasa isip ko sa mga oras na yun ay si Belle. Parang pinipiga ang puso ko nang makita siyang umiiyak ng dahil sa akin. I knew from that very moment she will never forgive me and will never trust me again.
"Fuck," hindi ko na napigilan ang humagulhol dahil sa sobrang galit sa aking sarili. I drove my fist onto the steering wheel. Pauli-ulit ko yung sinuntok-suntok. My cry of anguished pain reverberated throughout the car. Later on, I heard heavy footsteps coming my way.
"Miss Cara?"
I hurriedly wiped my tears and glance at the person who called my name. Kasambahay ito nila Belle. "Manang?"
"Pinapatawag ho kayo ni Ma'am Belle sa loob."
Nabuhayan ako ng pag-asa at hindi na nag patumpik-tumpik pa. Mas nauna pa akong pumasok sa bahay paakyat sa kwarto ni Belle. I immediately saw her standing outside the balcony. Agad ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likoran. I buried my face on the side of her neck. "Babe..."
"Bitawan mo ako." malamig pa sa yelo na sabi niya.
"I'm really sorry, babe." mas hinigpitan ko lalo ang pag-yakap sa kanya.
"Cara, let go." the coldness of her voice sent shivers down to my spine. Labag man sa loob ko ay binitawan ko nalang siya.
"Belle please, sorry na."
"Kailan mo pa ako niloloko?" Humarap na siya sakin. Her face was mask with pure hatred.
"Isang beses lang nangyari 'yon."
"Kahit ilang beses pa yan that doesn't change the fact that you cheated on me!"
"I'm really sorry," sinubokan ko siyang hawakan pero agad siyang umiwas.
"Ang laki nang tiwala ko sayo. How could you do this to me?" nag-umpisa na siyang umiyak.
"Belle, nagkamali ako. Hindi ko na uulitin 'yon."
BINABASA MO ANG
Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (3) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or d...