27 - Joy

17.2K 513 71
                                    



"Are you two back together?"

Nag-angat ako ng tingin kay mama habang nakaupo ito sa kabilang side ng couch. Marahil napansin nito ang kakaibang kislap ng mga mata ko habang nakatutok ang atensyon sa malaking screen ng tv. We were watching top model philippines kung saan si Cara ang host at mentor ng programa.

"Not yet, Ma. Pero papunta na rin kami dyan." masayang sagot ko.

"Did she know about Ailee already?" she asked again.

"Yes. Sinabi ko na sakanya ang lahat. Close na nga silang dalawa e."

"Mabuti naman kung ganon. Can you invite her tomorrow? I miss our cooking session together."

"Of course, Ma. Lagi naman siyang bumibisita dito nung nasa korea pa lang kayo."

"Great. Hindi ko pa kasi na master yung mga itinuro niya sa akin na putahe noon. I tried it once, pero hindi ko makuha yung lasa."

Napangiti ako. Perks of having a chef slash model girlfriend.

Nag-usap pa kami saglit ni mama bago ako nagpaalam para puntahan si Ailee sa kwarto. Nakita ko itong naglalaro sa harapan ng laruan nitong doll house. My heart softens at the scene. Umupo ako sa carpeted floor para samahan ito. We played for about half an hour. Tumigil lang kami sa paglalaro nang dumating si Cara. Muntik ko nang makalimutan may lakad pala sila ngayon ni Ailee.

"Tita!" my daughter automatically jumped on her arms.

"Hello baby." bati ni Cara dito sabay pugpog ng maraming halik sa chubby nitong pisngi. "Are you ready? We're going out on a date remember?"

Humagikhik si Ailee na para bang naintindihan nito ang sinasabi niya.

"Without me again?" bahagyang tumaas isang kilay ko.

"Sorry babe, sa amin ni Ailee ang araw na 'to eh."

Sumimangot ako, kunwari nagtatampo. "Lagi na lang kayo ang magkasama. I need your attention too you know."

Natatawang ibinababa ni Cara si Ailee at yumuko para ako naman ang lambingin. "Selosa ka, pati anak mo pinagseselosan mo."

"Che." pabiro ko siyang inirapan pero agad din namang ngumiti. "Saan pala kayo pupunta?"

"May bonding kami nila Samantha at Trixie. Kasama sila Shannon at Flynn."

Na-gets ko agad ang lakad nila kaya mahinang akong natawa. "In short, it's a triple date?"

"Yup. Don't worry, babalik din naman kami pagkatapos. Solo mo nako mamaya."

"Okay. Mag-ingat kayo ni Ailee okay?" i sweetly smiled at her.

"We will, wife." nag-wink siya sakin, making my heart leap.

"Did you just call me...your wife?"

"Ayaw mo ba 'non?" balik tanong niya as she kissed my lips again. "Ang sarap mo kayang asawahin."

My cheeks burned. Kinikilig ako ano ba! "Tumigil ka nga." kunwari suway ko.

"Na realized mo ba na bagay sayo ang apelyido ko?" she asked again while grinning.

"Hindi pa." Lie. I always think na bagay talaga surname niya sakin noon pa man.

"Mrs. Isabelle Choi-David." she wiggled her eyebrows. "What do you think, babe?"

"Are you proposing to me?" di ko mapigilan ang sarili  ko na itanong yun.

"Soon. Sagutin mo muna ako."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tiling gustong kumuwala dahil sa kilig na aking naramdaman.

"Bibihisan ko na si Ailee." divert ko sa usapan.

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon