Chapter 8
Gamit ang dalawang kamay, marahan kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko saka ako napayuko. Niyakap ko na rin ang magkabila kong tuhod dahil sa nagiging malamig na ‘yung simoy ng hanging tumatama sa balat ko. Buti na lang at may suot akong blazer. Siguro ay rito na lang muna ako magpapalipas ng gabi.
Sa totoo lang ay may kasalanan naman talaga ako. Hindi dahil mas inunahan ako ni Erica sa pagsabi sa father ko kundi dahil sa hinayaan kong mabuntis ako ng iba. But it never crossed my mind that it was all the unborn child’s fault. Dad just couldn’t believe it because he told me himself that he raised me to be the best yet I ended up like this. I ended up disappointing him.
“Rhian? Rhian? What the hell are you doing here?” Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Harold na papalapit ngayon sa direksyon ko.
“Enjoying the night?” I chuckled, but it faded when he stared blankly at me. Napabuga ako at napatingin sa harapan. Mahina rin akong nagduyan, sa paraang iyon ay para bang nababawasan ang bigat ng nararamdaman ko. “Nagpapalipas ng gabi. I have no place to stay at,” kalauna’y sagot ko.
“The fuck? How about your unit?”
Mapait akong napangiti. “It wasn’t mine anymore,” pumiyok ako dahil nanumbalik na naman sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng Daddy kanina.
Yumuko si Harold sa harapan ko at gamit ang kanyang mga kamay ay marahan nitong pinunasan ang mga luha ko. Ni hindi ko man lang namalayang umiiyak na naman pala ako. After carefully drying my tears, he assisted me in standing up. Tumayo naman ako. Matapos nitong alisin ang coat niya ay idinoble niya iyon sa coat ko saka niya ako pinasakay sa kotse niya.
“You should have at least beeped me.” Mariin ngunit nag-aalala nitong usal. Hindi na lamang ako sumagot at isinandal na lang ang ulo ko roon sa gilid ng bintana at tahimik na pinagmasdan ang mga nadadaanan namin.
Hindi na ako nagulat ng dalhin ako nito sa condo niya. “Gonna fix the guest room. You stay here. I’ll make it quick.” Harold went upstairs, leaving me alone in his living room.
Sitting for minutes, I stood up and went in front of the window. Hinawi ko ang makapal na kurtina at tumingin sa labas. Unbeknownst, my tears filled my face again. I silently cried as my father’s disappointed face flashed back in my mind.
“Rhian, are you okay?” Pasimple kong pinunasan ang luha ko nang marinig ang boses ni Harold sa likuran ko saka ako tumango nang hindi lumilingon sa kanya. “What really happened?” he asked again.
“Dad was mad.” After a long silence, I managed to answer him. That’s also when I faced him. “Because he learned that I’m pregnant.”
“You’re... pregnant?” gulat nitong sambit. Napatango ako at naglakad pabalik sa sala saka ako umupo. Sumunod naman ito sa akin at umupo sa tabi ko. “Was that the reason why you pulled off the wedding?”
“No. I only found out about my pregnancy recently. Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa’yo.”
“No, no. It’s okay,” saad nito at alam kong hindi pa rin napoproseso sa isip niya ang tungkol sa sinabi ko.
Napabuga ako nang malalim saka ko ikinuwento sa kanya ang nangyari. Magmula no’ng ipagdiwang namin ang wedding anniversary nila Daddy, kung paanong nakuha ni Erica ang PT sa kwarto ko, at kung gaano kagalit sa akin ang Dad ko nang malaman niya ang tungkol doon.
“He’s cold. He became distant to me. He’s mad, so mad because I disappointed him so much.” I tried to overshadow the pain in my smile but a sob followed. Hindi ko na naman maiwasang hindi mapahikbi. Sobra ko kasing na-disappoint ang Dad ko kaya ganito ‘yung trato niya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Flames of the Night (Flames Series #1)
General FictionCOMPLETED Story Description: Rhian Cassandra Echarri is living the life that she wants, but there is one thing she cannot control - that is being arranged for someone she cannot love. In her desire to escape this traditional way of being married, sh...