Chapter 16
“You need to eat, Rhian.”
Umiling ako kay Klein at tumagilid patalikod sa kanya. “I am not hungry.”
“Rhian Cassandra,” Klein uttered my name using his serious tone.
Naging dahilan iyon para malalim akong bumuntong-hininga bago ko inalis ang kumot sa katawan ko’t bumangon. Inalalayan naman ako ni Klein sa pagtayo.
“I understand you, but don’t be like this. Kung gusto mo, magpapadala na lang ako ng pagkain mo rito.”
“Doon na lang tayo sa kitchen,” ani ko. Tinanguan naman niya ako’t sabay kaming lumabas.
“Ano ka ba naman, anak. Huwag mo dapat ginugutom ang sarili mo.” Anti Sol scolded me. Hindi na lamang ako kumibo dahil alam kong mali naman talaga ako.
“Kumain ka na o gusto mo subuan kita?” I shook my head in Klein’s question and thanked him after putting vegetables on my plate.
Sabay-sabay kaming kumain lahat. Kasama namin sina Anti Sol at Anti Yoli. Si Jeff naman ay wala rito dahil umuuwi pa rin siya. Pumupunta lang siya rito kapag umaga para sunduin si Klein at kapag hinahatid niya ‘to rito pagkatapos ng kanilang trabaho.
After taking our dinner, I went upstairs and was about to sleep when my phone rang. Walang pagdadalawang isip na sinagot ‘yon nang makitang si Kristina ang tumawag.
“Hey, what is it?” pambungad ko sa kanya. Habang kinakausap siya’y napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Klein.
[Hinahanap ka ni Sir Francis, Ate Rhian. Nabanggit po kasi ni Anti Emilia na tumawag kayo sa kanya’t balak mo siyang dalawin sana. Nung nalaman po ‘yun ni Sir, ikaw po ‘yung bukambibig niya. Gusto ka po niyang makita.]
Kusang kumurba ang ngiti sa labi ko pagkarinig ko no’n. “Pupunta ako bukas d’yan. Sabihin mo kay Dad, bibisitahin ko siya bukas.”
After ending the call, Klein walked towards me and I didn’t know why I hugged him. Maybe because of happiness? “My Dad wanted to see me. Makikita ko na rin siya bukas,” mangiyak-ngiyak kong sambit dito.
He carefully patted my back. “I will accompany you tomorrow.”
Kinabukasan, matapos kong mag-almusal ay kaagad akong naligo. Balak ko na sanang umalis ngunit tinawag ako ni Klein. Hindi katulad na lagi siyang nakaformal attire, ngayon ay naka-casual na lamang siya.
“Let’s go?” tawag niya sa akin.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin hanggang sa maalala ko ang sinabi nito kagabi. “I’m okay, Klein. I know you have work to do. Iyon na lang ang puntahan—”
“I don’t retract my words, Rhian. Let’s go.” Napakibit balikat na lamang ako nang humakbang na ito palabas ng kwarto. In the end, I followed him outside.
“Mag-iingat kayo.” Kumaway na lamang ako kina Anti Yoli at Anti Sol bago isara ni Klein ‘yung pintuan.
Habang nasa loob kami ng elevator, abala akong naglilista ng mga gusto kong ibigay sa tatay ko sa my notes ng phone ko. Plano ko kasing sumaglit sa mall para may ipangpasalubong ako sa kanya.
“Try wearing that smile all the time. You look more beautiful when you smile.” Napapangiting sinalubong ko ang mga mata ni Klein mula sa malasalaming wall ng elevator, pagkatapos ay hinarap ko siya.
“It’s good to hear that you know how to appreciate art,” I comfortably teased at him which made him shook his head a little.
Mula sa nakapaskil kong ngiti, muli akong napaharap. For more than weeks that I’m living with Klein, I’m starting to get comfortable and to be casual towards him. And I think that’s a good idea.
BINABASA MO ANG
Flames of the Night (Flames Series #1)
General FictionCOMPLETED Story Description: Rhian Cassandra Echarri is living the life that she wants, but there is one thing she cannot control - that is being arranged for someone she cannot love. In her desire to escape this traditional way of being married, sh...