Chapter 33
Nakatingin lamang kami ni Klein sa tatlong mga kalalakihang kasalukuyang isinasabit sa wall ‘yung wedding picture naming dalawa. Ilang linggo rin namin ‘yon hinintay at ngayong dumating na, kaagad naming ipinaasikaso iyon. Sa gitna iyon ipinupuwesto at iyon ang una mong mapapansin kapag pupunta ka sa sala.
“Mag-asawa na ba talaga tayo?” hindi ko mawari kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko. Ilang linggo na ang nakalilipas simula noong mangyari ‘yung kasal pero heto ako’t tinatanong pa rin kung kasal na nga ba talaga kami ni Klein.
Dahil naka-akbay siya sa akin, hinila niya ako’t bumulong sa akin. “I can marry you again until you realize that you’re my wife now.” Mabilis ako nitong ninakawan ng halik. Mahina ko naman siyang hinampas dahil sa biglaan niyang paghalik sa akin gayong may ibang tao sa harapan namin.
“Don’t do that. May ibang tao, nakakahiya.” My face then reddened.
“There’s nothing I should be ashamed of, hon. In fact, I would love to kiss you in front of people for them to know that you are mine,” pinagdampi ko na lamang ang mga labi ko para pigilan iyong kilig na nararamdaman ko.
Hindi naman naging matagal ang pagsabit nila roon sa larawan. Nang masigurong nakadikit na ‘yon ng husto, saka nila inayos ‘yung mga kagamitan nila.
“Mauuna na po kami, Mr. Olsen.” Tango lamang ang sinagot ni Klein sa kanila.
“Mag-iingat po kayo mga Kuya,” ani ko.
“Salamat po. Kayo rin po mag-iingat din po kayo. Happy wedding po ulit, Mr. and Mrs. Olsen.” Matapos nilang magpaalam sa amin ay umalis na rin sila.
“Weren’t you satisfied from you heard, wife? Or should I say, Mrs. Olsen?” I quickly buried my face on his chest when he started teasing me again. Klein chuckled as he patted my head. Kasabay no’n ay ang paghalik niya sa ulo ko. Masyado na akong matanda para kiligin pa pero... God, this guy is really my husband now.
Ang atensyon naming dalawa ay nalipat sa pintuan nang may kumatok doon. I stood still on my spot and Klein walked into the door to open it. It was his family so I immediately went near them.
“I brought some food because we’re planning to take our lunch here.” Kinuha ko kay Tita iyong container saka iyon dinala sa kitchen.
Ngayong nasa sala na kaming lahat ay masaya kaming nagkukuwentuhan. They also asked us if when are we going to get the gifts for our wedding. Sa halip na sa hotel ay iyong garden sa mansion nila ang ginawang reception kaya halos lahat ng mga kagamitan ay nandoon pa rin.
“Maybe this weekend, Tita. Dadaan na lang po kami ni Klein doon.”
“You’re married to Klein now, hija. Call us Mom and Dad, okay?”
Nahihiya man pero napatango ako. “Yes po...Mom, Dad.” And they smiled at me because of that.
Kleinary and I were here at the kitchen busy cooking sinigang na hipon. Sila Klein naman at ang mga magulang nila ay naroon pa rin sa sala, nag-uusap. Inilagay na ni Kleinary iyong nalutong ulam sa mangkok habang kasalukuyan kong pinapainit ‘yung dinala nilang pininyahang manok.
After preparing the table and the utensils needed, Kleinary called her parents and brother for us to eat altogether.
“We’ll be leaving three days from now,” pagbubukas ng usapin ni Tito habang kumakain na kaming lahat.
“Kaagad po?” I asked.
Tumango ito sa akin. “We’ve been here for almost two months now. Lots of things are already waiting for us in Germany.” Without such questions, I nodded at him. Naroon kasi ang buhay nila at alam kong iyong mga trabaho nila ang naghihintay sa kanila.
BINABASA MO ANG
Flames of the Night (Flames Series #1)
General FictionCOMPLETED Story Description: Rhian Cassandra Echarri is living the life that she wants, but there is one thing she cannot control - that is being arranged for someone she cannot love. In her desire to escape this traditional way of being married, sh...