CHAPTER 31

1.6K 45 3
                                    

WARNING: CONTAINS MATURE SCENES

~

Chapter 31

Sa isang restaurant idiniretso ni Klein ang kotse. Kanina sa byahe ay tinanong niya ako kung kumain na ako. Nung sinabi kong magluluto pa lang sana ako ng pananghalian ko bago pa siya tumawag upang ibigay sa kanya ‘yung folder, sa restaurant na kami dumiretso dahil maging siya raw ay hindi pa kumakain.

“Hon, ngumiti ka naman. Baka sabihin ng mga taong inaway kita,” pagbibiro nito nang pagbuksan niya ako ng pintuan.

Tumaas naman ang sulok ng labi ko. “Edi sabihin mo sa kanilang ‘yung babaeng pakakasalan mo ang nang-away sa akin,” sumbat ko, tinutukoy si Claire.

But Klein just chuckled. Gamit ang kanan niyang kamay, hinawakan niya ang baba ko. Ang hintuturo niya ay nasa kaliwa kong pisngi at ang apat na daliri naman ay nasa kanan. Sa paraan ng paghawak niya sa akin, iniipit niya ang mukha ko at inilapit iyon sa kanya saka ako mabilis na ninakawan ng halik.

“Let’s go, Rhian. Gutom na ako. Baka ikaw pa ang makain ko.” Even though I was mad, I felt my cheeks burning na siya namang tinawanan lang ng lalaking ‘to.

Doon na nga kami sa restaurant kumain. Then umuwi na rin naman kami kaagad sa penthouse. Hindi na ulit bumalik si Klein sa kompanya niya dahil wala naman na raw siyang gagawin doon.

“Hey, I’ll be visiting Jana tomorrow.” Friday na kasi ngayon. Saturday naman na bukas kaya naisipan kong pumasyal sa kanila. Kailan pa kasi ‘yung huling pagkikita naming dalawa. Kung hindi pa aksidenteng nabunggo ako ng anak niya sa mall, hindi pa kami magkikita. Namimiss ko na rin ang babaeng iyon.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya dahil tumango lang ito sa sinabi ko. Masyado kasi siyang abala sa laptop niya.

“I was asking my friends and colleagues if they knew someone with a surname of Ko. I told you, I will help you, right?”

Lumapit ako sa kanya at nakita ko kung anong ginagawa niya. I even read some of his emails. I pursed my lips and smiled at him. “Thank you so much, Klein. I really appreciate all your efforts.”

Ginulo lang nito ang buhok ko saka itinuloy ulit ang pagtitipa niya ng mensahe sa kanyang laptop. Napangiti na lamang ako habang pinapanood siya. God, I’m so lucky to have Klein.

“Omg, Rhian! Hi! You didn’t inform me na pupunta ka rito.” Jana opened the gate and she welcomed me with a hug.

“I missed you,” napanguso ito sa sinabi ko saka niya ako nginitian. “Oh, hey there little boy!” Agad akong lumuhod sa harap si Ethan Jace habang hawak-hawak siya ng ina niya.

“Go to your Tita Ninang, anak.” With his mother’s permission and from the arms I opened, Jace went to me and hugged me. “Kiss her on her left cheek.”

“Oh, ang sweet namang bata!” Marahan kong kinurot ang pisngi nito nang halikan nga niya ako sa pisngi.

Ako na ang nagbuhat kay Jace nang pumasok kami sa bahay nila. Nang makita ko si Ellie sa sala ay agad akong nakipagbeso sa kanya. Umupo ako sa sofa habang buhat-buhat pa rin ang bata samantalang si Jana naman ay nagtungo sa kusina upang maghanda ng miryenda.

“Ang busy mo naman masyado, Ellie. You’re giving me the vibes of a workaholic Dad,” I commented and that made him laugh.

“I have to. Natatambakan na kasi ako.” Hinihintay ang pagdating ni Jana, pinanood ko na lang si Ellie sa ginagawa niya. Kasalukuyan kasi siyang gumagawa ng plates.

“Rhian, magmiryenda ka muna.” Inilapag ni Jana iyong tray na naglalaman ng pizza at bread saka pitcher na puno ng iced tea. “Eat this when you’re done,” saad niya rin kay Ellie saka ito binigyan ng mimiryendahin niya.

Flames of the Night (Flames Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon