CHAPTER 32

1.6K 43 4
                                    

Chapter 32

Napamasahe na lamang ako sa aking sentido matapos kong mabasa ang mensahe ng mga taong pinagkukuhanan ko ng impormasyon tungkol sa sitwasyon ng Echarri.

Almost half of the company’s shares were bought by Mr. Ko, who, up until now, is I don’t have any idea who he really is. Ang ilang shares ay hawak naman ng mga shareholders na hindi ko na kilala. Samantalang ang naiwan na lang kay Tita ay 27% at 13% naman kay Erica. Doon sa mga ipinagbiling shares, kasama na roon ‘yung 25% ko.

Maliban sa Echarri, ang ilan din sa mga properties ni Dad ay naibenta na at nakasangla ang iba. Hindi na ako magugulat kung ‘yung bahay ang sunod na mawawala sa kanila.

Last week, I went out to meet Mr. Buenafe, my lawyer, and Mrs. Adarme, one of the company’s board of directors. Sa lahat ng mga board of directors noon pang nabubuhay si Dad, siya na lang ang kilala kong naiwan. I don’t know what happened to the others.

Through Mrs. Adarme, I was told that some of the shareholders are planning to sell their shares so they could officially cut ties with Echarri. I do understand why they are doing this. Sino nga ba naman ang gustong magstay sa isang kompanyang papalubog na? As early as they could, they are selling their shares to get back the money they spent.

With that information, I asked if it’s possible for me to buy those shares. My lawyer agreed, but we have a problem. Iyon ay kung papayagan ba ako ni Tita Margaret na bilhin iyong shares kung ganitong siya mismo ang nagpaalis sa akin sa kompanyang iyon.

I was so desperate that I told my lawyer if I could buy those shares using another’s name then transfer them to me soon after, but Mr. Buenafe disagreed because that silly suggestion of mine will surely undergo a long process. At baka mas mauna pang mawala ang Echarri sa food industry bago pa matapos ang prosesong pagdadaanan non.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil wala man lang akong magawa. Nagtatalo na rin ang mga utak ko dahil sa kung anu-anong mga naiisip ko. Isa na roon ang humingi ng favor kung pwede bang si Klein na lang ang bumili sa ilang mga shares. But it was so silly of me to think that. Ano naman ang gagawin ni Klein sa food industry gayong car company ang tinatrabaho niya?

Goodness. Pakiramdam ko ay mababasag ang ulo ko sa kaiisip sa kung anong pwedeng ipangsolusyon sa mga problemang idinulot ng mag-inang iyon.

Nalipat ang tingin ko sa pintuan nang may kumatok doon. Agad naman akong tumayo upang pagbuksan kung sino man ang mga iyon.

“Ate Rhian!” Bago pa ako makapagreact sa biglang pagdating ng mga ito ay niyakap na ako ni Kleinary nang mahigpit. “What happened to you? Pinapagod ka ba lagi ni Klein Jackson?” Pasikreto kong pinagalitan ang sarili ko dahil ibang ‘pinapagod’ ang tumatakbo sa isip ko.

“No, I was just busy finding solutions to my Dad’s company,” sagot ko at agad na nilingon sina Tita Amanda at Tito Vaughn, at saka sila niyakap.

“I didn’t know you’ll be coming home, Tita, Tito. Nasundo ko po sana kayo,” usal ko sa kanila pero sinabi ng mga itong ayos lang daw dahil gusto nila akong surpresahin. I asked them if Klein knew about this and they nodded at me. Ang lalaking iyon, hindi man lang ako sinabihan.

I quickly entertained them and offered them food.

“My poor daughter. Is Klein taking care of you? Bakit ganyan ang hitsura mo?” Pinaglapat ko na lamang ang aking labi dahil ang hitsura ko talaga ang una nilang pinansin.

Naka-messy bun kasi ako at literal na messy ‘yung buhok ko. I was also wearing big and thick eyeglasses with a big black shirt. Do I look so stressed in their eyes? Well, I guess I really am.

Flames of the Night (Flames Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon