Chapter 29
There’s no day that I do not think about the company. At sa bawat paglipas ng araw, parang bumibigat ang dibdib ko na wala man lang akong magawa para maisalba ang pinaghirapan ng parents ko. Wala kasi akong ibang panghahawakan para makabalik ulit ako sa kompanya maliban sa shares ko na walang kasiguraduhan kung mapapakinabangan ko pa ba.
Saturday afternoon, I told Klein that I will be going somewhere but I didn’t tell him where exactly. Truth is, I want to go back to our house which became theirs already. Maaaring nalipat nga ‘yung titulo ng bahay sa pangalan ni Tita pero anak pa rin ako ng Tatay ko at sa tingin ko’y may karapatan pa rin akong pumasok sa bahay na ‘yon.
“Rhian!” Agad akong sinalubong ni Nanay Emilia nang mahigpit na yakap nang pagbuksan ako nito ng gate. “Sobrang namiss kitang bata ka,” mangiyak-ngiyak nitong hinaplos ang pisngi ko saka ako muling niyakap.
Nanay Emilia brought me inside. When Kristina saw me, she also hugged me. “Ate, bakit ngayon ka lang?” Her reaction is the same as Nanay Emilia’s.
A sad smile crept to my lips. “I left because I was in pain, but I was healed now that’s why I came back,” tugon ko sa kanila.
When I stepped my feet inside, I quickly noticed the big changes in the house. Some of the furniture was gone. Naiba rin ang style ng sala. Most of the pictures displayed were Tita and Erica’s photos and portraits.
Pasikreto namang napakuyom ako ng kamao nang makita kong wala na ‘yung paborito kong larawan ng Daddy na nakadisplay sa sala. Sa halip ay larawan nilang mag-ina na nasa loob ng office ni Daddy ang ipinalit doon. Sa larawang ‘yon, sobrang lawak ng ngiti nilang dalawa na parang sinasabing nagtagumpay sila sa mga plano nila.
“Nay, Kristina, kumusta po kayo rito? Are they treating you badly?” My voice was full of concerns. Alam ko na kasi ang ugali nila at dahil wala na si Daddy, natatakot akong baka sila Nanay Emilia at Kristina naman ang minamaltrato nila.
“Huwag kang mag-alala, Rhian. Okay lang kami rito, anak.”
“May pagkakataon lang Ate na kapag nagagalit sina Ma’am Margaret at Ma’am Erica, sa amin po nila ibinubunton ang galit nila,” dugtong ni Kristina sa kaninang sagot ni Nanay Emilia. “Pero ayos lang po ‘yon, Ate. Hindi pa naman po nila kami sinasaktan sa paraang pisikilan.”
That made me feel relieved. Hindi ko na lang talaga alam kung pati sila ang sinasaktan nila. Katunayan, bago ako pumunta rito iniisip ko na baka pati sila ay pinaalis na rin nila pero nakahinga ako nang maluwang nang makita kong nandito pa rin sila.
“Where’s Tita and Erica by the way?” I curiously asked because I haven’t seen them here.
“Kaninang umaga pa sila umalis. Baka hapon na ulit darating ang mag-inang ‘yon,” Nanay Emilia said.
“Ano pa nga ba Auntie Emilia? Gano’n naman lagi sila.”
“What do you mean by lagi?” tanong ko kay Kristina.
“Nasanay na po kasi kami Ate na kapag aalis sila, paniguradong hapon o gabi na silang makakauwi. Hindi lang po namin alam kung anong mga ginagawa nila.”
Sa halip na guluhin ko ang utak ko dahil sa mga ginagawa nila Tita, napagpasyahan ko na lang na bisitahin saglit ang kwarto ko. Sila Nanay Emilia at Kristina naman ay ipinagpatuloy ang trabaho nila at hinayaan na lang nila akong pumanhik sa itaas.
Sa kagustuhan kong huwag guluhin ang utak ko, sumakit naman ang ulo ko dahil sa bumungad sa akin sa kwarto. Agad akong napatakip ng ilong dahil maalikabok iyon nang pumasok ako. Pagak akong napatawa nang mapansin kong parang ginawa nilang stock room iyon. Although my things were still there, doon nila itinambak ang ilang mga gamit lalo na ang mga gamit ni Erica. Well, I knew this was Erica’s doing.
BINABASA MO ANG
Flames of the Night (Flames Series #1)
General FictionCOMPLETED Story Description: Rhian Cassandra Echarri is living the life that she wants, but there is one thing she cannot control - that is being arranged for someone she cannot love. In her desire to escape this traditional way of being married, sh...