"Jazmine, saan ka pupunta?" tanong ni Joseph kay Jaz ng makita niya itong papalabas ng bahay. Buong gabi kasi na nasa bahay nina Meg si Joseph at Grace pati na din si Olsen. At dahil hindi naman talaga natutulog ang mga bampira, nasa sala lang sila buong gabi.
"Oo nga Jaz. Where are you going?" tanong din naman ni Olsen habang papalapit kay Jaz na nasa tapat na ng pinto.
Napahinto si Jaz at humarap kina Joseph at Olsen. "Pupuntahan ko si Sasha. Tatapusin ko na ang lahat ng ito!!" palaban na sabi ni Jaz. Napabuntong hininga naman si Joseph sa sinagot ni Jaz.
"Do you think kaya mong lumaban kay Sasha kung mag-isa ka lang? Jazmine, huwag kang magpadalos-dalos sa mga gagawin mo. Ano pa at nandito kami para tumulong?" ani Joseph.
"He's right, Jaz. Dapat pagplanuhan ang lahat bago tayo gumawa ng hakbang." sambit ni Olsen. "You know what, paparating na ang ibang wolves para tumulong sa atin laban kay Sasha kaya dapat ngayon pa lang ay maghanda na tayo You're not alone one this war, Jazmine!." sabi ni Olsen kaya napaupo nalang si Jaz sa sofa na nag-iisip sa mga sinabi nina Joseph at Olsen. May point naman kasi silang dalawa.
Bigla namang may nagdoorbell sa gate ng bahay nila kaya nagulat silang tatlo. Wala naman kasi silang hinihintay na bisita. Well, maliban sa mga wolves pero tiyak naman na malalaman ni Olsen kapag dumating na sila dahil malakas ang pang-amoy ng mga wolves.
"Ako na ang titingin sa labas." sabi ni Joseph at lumabas na ito. Pagbalik niya kasama niya si Annie.
Nagulat naman si Jaz nang makita niya si Annie. "ANNIE??!!! Anong ginagawa mo dito?" Nagbago na kasi ang itsura niya. Hindi na siya 'yung dating Annie na mataas ang buhok at naka-eyeglasses. Siya na ngayon ang Annie na palaban tignan dahil sa ikli na ng buhok niya at wala na din siyang suot a eyeglass.
"Jaz, nandito ako para tumulong sa inyo laban sa mga kresniks. Hindi ko na kayang hindi umimiik thinking na nasa kay Sasha ang batong pagmamay-ari ng pamilya ko." Sagot ni Annie. "Nasaan si Meg?" nilibot ni Annie ang paningin sa bahay.
"Nasa taas siya at nagpapahinga." sabat ni Joseph.
Napatingin naman si Annie kay Joseph. Kahit hindi sila magkakilala ng personal pero parang ang dating eh matagal na silang magkaibigan. Siguro dahil iisa lang naman ang kalaban nila at iisa lang din naman ang pinaglalaban nila. Ang kalayaan para mabuhay at makuha ang talagang nararapat - ang katahimik!
Sa taas naman ng bahay, sa loob ng kwarto ni Meg kasama niya si Grace. Nilabas niya ang lahat ng librong meron siya tungkol sa mga witch. Nakatingin lang sa kanya si Grace na para bang naguguluhan sa binabalak gawin ni Meg.
"Alam mo, Meg? Kailangan mo ba talagang basahin 'yang lahat ng libro ngayon?" sa tingin kasi ni Grace hindi ito ang tamang panahon para magbasa si Meg.
"Kailangan kong pag-aralan lahat ng pwede kong matutunan, Grace. I want to help para matalo ang mga kresniks. I want to help Jaz!!" sagot ni Meg habang patuloy ito sa pagbabasa ng mga libro.
"Alam mo Meg ha.. Ang isan maitutulong mo ay siguraduhin mong ligtas ka. Diyan, makakatulong ka kay Jaz! Alam mo naman na puro kapakanan mo ang iniisip niya simula pa noon.." aniya. Napabuntong hininga naman si Meg.
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND - Book 2
Teen Fiction(COMPLETED) A continuation of Best Sister Friend :)