Magtatanghali na ng matapos ako sa ginagawa ko. Kakatapos ko lang din makausap si Miranda para mag-update sa kanya kung ano-ano ang mga nangyayari dito sa opisina. Nagkaroon din ako ng pagkakataon makamusta siya. Sabi niya sobrang busy daw sa Australia office pero nakakapagpahinga naman daw siya. Mabuti naman dahil kapag nalaman ni Joseph na stressed at hindi nakakapagpahinga ng maayos si Miranda, I'm sure papauwiin niya ito dito!
"Meg, sama ka sa amin maglunch! Sa kabilang building kami kakain. May bagong bukas na resto sabi ni Sam." anyaya ni Lynn sa akin. Timing!! :]
"Sige ba! Gutom na din ako eh. Ililigpit ko lang 'to saglit ha? Nasaan na ba si Sam?" tanong ko, sakto naman ang dating ni Sam.
"I'm here! Gosh! Ayaw pa ata akong paalisin ni Miss Em eh. Biruin niyo yun? Pinaulet niya iyong pinasa kong article kahapon? Tsk! Ang ganda na kaya nun!!" pagpupumaktol ni Sam ng lumapit sa amin.
"Hahaha! Hindi ka pa nasanay doon kay Miss Em.. Eh ganyan naman talaga 'yan! Napakamatikulosa.. Gusto lahat perfect!" sagot naman ni Lynn. Katuwa sila! May tinatago din pala silang komento kay Miss Em.
"Tara na nga! Meg, mamaya na 'yan at baka makita na naman ako ni Miss Em at hindi pa 'ko makapaglunch!" ani Sam sabay hila niya sa akin.
Habang nagla-lunch ay naikwento ni Sam iyong tungkol sa handaan kina Miss Em. Narinig daw kasi niya kanina ng may kausap si Miss Em sa telepono. Parang pinaghandaan talaga niya ang party sa bahay nila.
"Eh, hindi naman nang-imbita si Miss Em sa mga employees.. Tss!" ani Sam sabay subo ng kinakain niyang salad.
"Baka naman family gathering 'yun, Sam. Tsaka kahit imbitahan ako ni Miss Em hindi naman ako makakapunta.. May date ako eh! Haha!" sabi naman ni Lynn.
"Pero bakit ako inimbitahan niya?" sabi ko. Sabay namang nagtinginan sa akin sila Sam at Lynn ng sabihin ko iyon! Gulat much lang girls? HAHA! At sabay pa talaga ang pagsabi nila ng "Really???"
"Ano ba kayo! Inimbitahan lang niya ako dahil wala si Miss Miranda. Ako daw kahalili niya! Meaning substitution lang ako!" paliwanag ko para kasing naiinggit sila. HAHA!
"Well, sana mag-enjoy ka doon, Meg! Remember, hindi mo kilala ang mga ibang bisita ni Miss Em!" ani Sam. Bitter lang, Sam? HIHIHI!
"Huwag mo ngang takutin si Meg, Sam! I'm sure mag-eenjoy siya doon.." ani Lynn naman.
"Pero hindi ako sure na makakapunta eh. Siguro hindi nalang talaga ako dadalo. Tama naman si Sam, wala akong kakilala doon maliban kay Miss Em. Baka hindi din ako mag-eenjoy!" besides, hindi din naman ako nakapagpaalam kay Jaz.
"Sayang naman Meg kung hindi ka dadalo. Huwag mong isipin ang sinabi ni Sam, inggit lang siya! HAHAHAHA!" tumatawang sabi ni Lynn.
Napahinto naman sa pagkain si Sam. "Excuse me??!! Hindi ako naiinggit noh! Concern lang ako kay Meg baka hindi siya mag-enjoy doon! Iyon lang 'yun!" sagot ni Sam.
"Huwag na nga natin 'yun pag-usapan. Bahala na! Kumain nalang tayo at baka matapos na ang one-hour lunch break, hindi pa natin nauubos ang kinakain natin." sabi ko.
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND - Book 2
Novela Juvenil(COMPLETED) A continuation of Best Sister Friend :)