AUTHOR's POV
Panibagong araw. Isang araw na ni minsan hindi inakala ni Jaz na mangyayari. Isang araw na pinakaasam-asam ni Meg na makamtan. Isang araw na hinangad ng lahat na dumating. Isang araw na magbibigay ng bagong pag-asa.
"Meg, ready kana ba?" tanong ni Jaz kay Meg habang nag-eempake si Meg ng gamit niya.
Masayang sumagot naman si Meg. "Yep! Last nalang 'to at matatapos na ako."
Umupo si Jaz sa kama katabi ng mga damit ni Meg na ipinapasok nito sa maleta. "Bakit ba ang dami mong dala? Magagamit mo ba lahat ng mga ito?"
"Syempre naman, Jaz. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan tayo doon sa States. First time ko kayang mangibang bansa! Hehe." sagot ni Meg.
Magpupunta kasi sina Meg at Jaz sa States bilang celebration ng pagkapanalo nila laban sa mga kresniks. Yes. Tama kayo. Natalo nila ang mga kresniks.
***flashback***
Nagsisimula ng maglaban sina Jaz at Sasha habang si Meg nakaupo sa gilid at tinatakpan ang mga mata. Ayaw niyang makita si Jaz, baka hindi niya kayanin kung may mangyaring masama dito kahit sa mga panahong ito, hindi siya nakikilala ni Jaz.
"Kahit kailan Jazmine, panira ka talaga! Kailangan mo ng mawala!!!" sigaw ni Sasha habang nilalabanan ang pag-atake ni Jaz.
May hawak kasing matulis na kahoy si Sasha at si Jaz pilit niya kinukuha ito at ibabaon sa puso ni Sasha.
"Mauna ka!!!!" sigaw din ni Jaz.
Lahat ng iyon ay naririnig ni Meg kahit hindi niya ito nakikita. Mas lalong natagakot si Meg. Kahit gusto niyang tulungan si Jaz, hindi niya magawa. Para kasing may malakas na pwersa na pumipigil sa kanya.
"Megan..." mahinang tinig ang tumatawag kay Meg. This time, hindi na niya naririnig ang pag-aaway nila Sasha at Jaz. Sa mga oras na iyon, tanging ang malamig na boses lang ang naririnig niya. "Megan... Anak."
Nagulat si Meg ng marinig na tinatawag siyang anak. Sa gulat niya, tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa mukha niya at dumilat. Hindi niya nakikita si Jaz at Sasha. Nawala lang sila bigla. Sa halip, nakita niya ang isang babae. Nakatayo ng medyo malapit sa kanya. Nakasuot ito ng parang katulad ng suot ni Jaz ngayon pero puti lahat. Nakatitig lang si Meg dito at hindi alam ang gagawin.
Dahan-dahan itong lumalapit kay Meg. "Megan.. Kay tagal kong hinintay na makita ka." nasa harap na siya ni Meg ngayon at doon lang napagtanto ni Meg na ang kaharap niya ngayon ay walang iba kundi ang taong nagluwal sa kanya.
"Anak, ako si Martha. Ang nagluwal sa'yo sa mundong ito." naluluhang sabi ni Martha kay Meg.
Hindi alam ni Meg na tumutulo na pala ang luha niya. Hinawakan ni Martha ang mukha ni Meg at pinunasan ang tumutulong luha nito. Hindi makapaniwala si Meg sa nangyayari.

BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND - Book 2
Fiksi Remaja(COMPLETED) A continuation of Best Sister Friend :)