"Megan!!! Gumising ka nga!!" ginigising ako ni Jaz sabay yugyog niya sa akin para magising pero ako patuloy parin sa panaginip ko.
"Sarap ng chicken joy!! Sarap ng french fries.. Hmmm!!! Sarap talaga!!" kumakain daw kasi ako ng chicken joy at french fries sa Jollibee.
"HAHAHAHA! Kaloka 'tong batang 'to oh.. Haaaay!! Megan, gising na baka mahuli kana sa trabaho mo dahil 'dyan sa chicken joy!!" natatawang sabi ni Jaz.
Nagising naman ako at una kong nakita ang tumatawang mukha ni Jaz. @_-
"Bakit ka tumatawa, Jaz?" tanong ko. Inosente lang sa mga nangyari! HAHA!
Patuloy parin sa pagtawa si Jaz. "HAHAHAHA! Katawa ka kasi.. Bangon kana!"
"Hindi ako babangon hanggat hindi mo sinasabi sa'kin kung bakit ka tumatawa! HMP!" itong si Jaz talaga oh, curious tuloy ako kung anong ginawa ko at tumatawa siya ng ganoon. Ayt!
"Kasi po...." tumayo siya sa harapan ko. "sabi mo, hmmmm.. Ang sarap ng chicken joy!! Ang sarap ng french fries.. HAHAHAHA!" with matching actions pa talaga. KYAAAAAAAAAAAAA!!! Nakakahiya naman ang ginawa ko!! WAAAAAAAAAAAAAA!!!
"Talagang ginawa at sinabi ko 'yan, Jaz? Tsk! Eh kasi namiss ko na kumain sa Jollibee kaya siguro napanaginipan ko. Tsss." tumayo ako. "Makaligo na nga lang!"
"Hahaha.. Oh siya at ihahanda ko na agahan. Baba kana pagtapos mo maligo ha?"
Tumango ako at pumasok na sa banyo. si Jaz naman lumabas na ng kwarto. 123456789 years ay natapos din akong maligo. Naks! Ano ba iyong naaamoy ko??!!! Agad akong nagbihis at tumatakbong bumaba papunta sa kusina.
"WOW!!!!" nagulat ako. Tama talaga ang naaamoy ko!! "JOLLIBEE!!!" at last, makakakain na ako ng Jollibee after 48 years of craving. Hihihi.
"Oh ayan ha! Hindi ka na siguro mananaginip ng chicken joy at fries niyan. Hahaha!" ang sweeeeeet ni Jaz!!
Lumapit ako sa kanya at naghug. "Thank you, Jaz!!! Mwah!" sabay kiss sa cheeks niya. "Makakakain ako ng marami nito! Hihihihi!"
"I know right! Hahaha."
Kaya ayun nga, naparami ang kain ko. BURP! Para akong hindi nakakain ng isang taon sa dami ba naman ng nakain ko kanina baka bukas pa ako magutom ulet. Hihihi. Nasa office na din nga pala ako. Hinatid lang ako ni Jaz tapos umalis na din siya.
"Meg, alam mo ba kung nasaan si Annie? Hindi kasi siya pumasok eh." tanong saken ni Lynn, isang editor ng dumaan ako sa table niya.
"Kaya pala wala siya sa table niya. Hindi ko alam eh! Hayaan mo kapag may balita ako sabihan nalang kita. Oh baka may maitutulong ako?" sabi ko kay Lynn.
"Thanks, Meg. Pakibigay naman 'to kay Miss Em oh. Ayoko kasing pumasok sa office niya baka matagal na naman ako makalabas. Hihihi." sabay abot sa'kin ng envelope. "Thank you ulet, Meg."
"Sureness. Hihi."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko pabalik ng table ko. Nilagay ko lang iyong pinaphotocopy ko sa table ko tapos nagpunta na ako sa office ni Miss Em.
"Hi po, Miss Em." bati ko.
"Oh Megan. Come in." ani Miss Em.
Pumasok naman ako daladala ang pinabigay ni Lynn. Pagkalapit ko sa table ni Miss Em agad kong binigay sa kanya ang envelope. Siguro mga na edit na articles ang laman noon.
"Binabibigay po ni Lynn. Wala daw po kasi si Annie." sabi ko.
Kinuha naman ni Miss Em ang envelope. "Oo nga eh. Nagtataka nga ako kung bakit absent siya. Hindi naman siya nagsabi na hindi siya papasok ngayon. Kanina ko pa nga siya tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko."
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND - Book 2
Teen Fiction(COMPLETED) A continuation of Best Sister Friend :)