CHAPTER 5: Friend or Enemy

105 6 0
                                    

Medyo matagal na din na hindi nagpaparamdam ang mga Kresniks. Siguro, hindi talaga nila kami natunton dito. And I think it's time na maghanap na ako ng work. Sayang naman ang pinag-aralan ko kung dito lang ako sa bahay. Pero the big question is kung papayagan ba ako ni Jaz magwork!

"Jaz? May tanong ako." sabi ko kay Jaz habang nakaharap kami sa TV. Nanunuod kasi kami ng movie ngayon.

"Hmmm..." sagot naman niya. Seryosong nanunuod kunwari. Eh alam ko naman na ilang beses na nya 'to napanuod. Memorize na niya ata ang mga scenes at sinasabi ng mga bida eh. Hohoo!

"Ahmm.. Kasi Jaz, napag-isip ko medyo matagal na din akong grumaduate. Maybe it's time na maghanap na ako ng work." napatingin siya sa akin kaya agad akong nag-explain para hindi siya magalit. "Eh kasi Jaz, hindi naman ako katulad mo, ninyo, na okay lang na hindi kumain, you know. Kailangan ko naman kumita, magbanat ng buto. Tsaka, don't worry Jaz, I will take care of myself." Alam ko naman kasi na yan ang main reason kung bakit ayaw ako pagtrabahuin ni Jaz.

"Ano namang trabaho gusto mo?? Hindi mo naman kasi kailangan magtrabaho, Meg. Mabubuhay ka, makakakain kahit hindi ka magtrabaho." sagot niya. Alam ko naman iyon. Mayaman si Jaz alam ko iyon pero hindi naman sa akin iyon. Ayoko naman umasa lang sapagkat kaya ko naman mabuhay bilang isang normal na tao. Kaya ko naman magtrabaho para hindi nalang ako laging umaasa kay Jaz.

"Maghahanap pa ako. So payag kana ba, Jaz?" pa cute ako para payagan niya 'ko.

"Ewan ko. Pag-iisipan ko." at least, pag-iisipan niya. Hihihi.

"Yes. Alam ko papayag ka!" hihihi. Sure ako!!

"Confident! Tss." nakakunot noo niya.

Eh kasi naman noh, pag-iisipan daw niya so there is a possibility na papayag siya dahil kung hindi kasi siya papayag eh di sana sinabi na niya agad. Hahaha. Kilalang kilala ko na kasi talaga si Jaz kaya pangiti-ngiti lang ako habang nanunuod ulet ng movie.

Gabi na ng bumisita si Tom sa bahay. Simula kasi noong bigla siyang nawala at wala siyang naaalala, lage na siyang nagpupunta sa bahay every night. Alam ko pilit niyang inaalala kung ano talaga nangyari sa kanya. Kahit naman ako gusto ko malaman kung ano talaga nangyari sa kanya pero napag-isip ko din na mas mahalaga na bumalik siya na ligtas.

Nabanggit ko kay Tom ang tinanong ko kay Jaz kanina tungkol doon sa balak ko na magtrabaho. Nabigla ata siya. Gaya kasi ng sagot ni Jaz, sinabi din ni Tom na hindi ko kailangang magtrabaho dahil mabubuhay niya daw ako. Tss! Hindi pa nga kami kasal, siya na bubuhay sa akin? Adik!!

"Seryoso ako, Meg. Pwede naman kita suportahan kung ayaw mong supurtahan ka ni Jaz financially." pagpupumilit ni Tom.

"Hay naku Tom! Hindi mo ma gets ang ibig kong sabihin. Tsk!" sagot ko.

"I understand, Meg. Clearly! But I just don't want you to work. Mas ligtas ka kung nandito ka lang sa bahay. Tsaka kapag may work kana, hindi mo na kami lage makakasama." Iyon naman pala eh. Gusto lang niya na kasama ako lage! Tsk! Tsk!

"Eh anong gusto mo? Samahan ako sa pagtratrabahuan ko, ganun? Adik 'to!" sagot ko. Magiging ligtas naman ako kahit hindi ko sila kasama eh dahil kaya ko ang sarili ko.

"Eh anong sagot ni Jaz noong tinanong mo? I'm sure hindi siya pumayag kaya naghahanap ka ng kakampi noh?" feeler naman 'to si Tom.

"Hindi noh! Kapal mo! Tsaka sabi ni Jaz pag-iisipan daw niya noh kaya may chance na pumayag siya. At kapag hindi siya pumayag, kukulitin ko talaga siya para pumayag. HAHAHAHA!" sure kasi ako na hindi ako matitiis ni Jaz eh.

"Sige lang. Tignan natin." sabay tingin kay Jaz na papunta sa kinauupuan namin dito sa veranda. Nakataas naman kilay ni Jaz parang nagtataka bakit kami nakatingin sa kanya.

BEST SISTER FRIEND - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon