"Hala Joseph, wala pa rin si Meg!! Anong oras na oh!" pagwo-worry ni Grace ng dumating si Joseph sa bahay nila Meg.
"Akala ko ba sinundo mo siya kanina? Bakit wala pa siya? Nasaan kaya iyon?!!!" nagworry naman si Joseph.
"Eh kasi sabi niya ite-text niya lang ako kapag pauwi na siya. Kanina ko pa siya tinatawagan pero walang sumasagot eh! She mentioned kanina na inimbitahan daw siya ng isang manager nila Miss Em ba pangalan noon? Oh iyon nga.. May salo-salo daw sa bahay nila. Inisip ko baka nagpunta si Meg doon kaya hindi nalang niya ako tinext." pag-explain ni Grace.
"Hindi safe 'yun, Grace. Alam mo naman ang sitwasyon!! Hanapin natin si Megan!!!" ani Joseph na medyo galit na dahil sa tono ng boses niya pansin mo talaga na wala sa mood si Joseph. Magagalit kasi talaga si Jaz kapag nalaman niya na nawawala si Meg, ibinilin pa naman ni Jaz si Meg sa kanila ni Grace.
Mas lalo tuloy natakot si Grace. "Patay ako kay Jaz nito!!!" bulalas niya.
"Puntahan natin sa opisina nila. Kung wala doon, hanapin natin ang address ng bahay ng Em na iyon! Grace, hindi mo sana hinayaan si Megan magpunta doon kung nandoon man talaga siya!" sabi ni Joseph ng mabilis na tumatakbo na parang lumilipad sa bilis nila.
"Sorry na, Joseph! Kasalanan ko talaga hindi ko naisip na mapapahamak si Meg!" sagot naman ni Grace.
Nagpunta na nga sila sa opisina nila Meg pero wala ng tao doon. Tinawagan ni Joseph si Miranda para kunin ang address ni Miss Em kaya nagpunta sila sa address na binigay ni Miranda. Ngunit ng pinuntahan nila, wala naman tao. Sabi noong guard na nagbabantay sa gate ng bahay, isang linggo na daw na hindi umuuwi si Miss Em dahil nasa vacation daw sa ibang bansa.
"Ano ng gagawin natin, Joseph? Huhuhu. Lagot na talaga ako nito." tanong ni Grace, halatang hindi ito mapalagay.
Nagbuntong hininga si Joseph bago nagsalita. "Umuwi ka muna sa bahay, Grace. May dadaanan lang ako."
"Sure ka? Sasamahan nalang kita sa paghahanap kay Meg, Joseph. Hindi naman pwede na umuwi nalang ako na hindi pa nakikita si Meg." ani Grace.
"It's not safe kung sasama kapa. Mas mabuting nasa bahay ka kapag umuwi si Megan. Kapag tumawag si Jaz, tell her to call me. Ako ang magsasabi sa kanya sa nangyayari ngayo." bilin ni Joseph.
Tumango naman si Grace. "Okay." tapos umalis na para bumalik sa bahay.
Si Joseph naman nagpatuloy sa paghahanap kay Meg kung saan-saan. Pagdating naman ni Grace sa bahay nila Meg, nagulat siya dahil nasa labas ng bahay si Meg, nakahiga at walang malay. Madali siyang lumapit sa walang malay na Meg.
"MEG!!!" binuhat niya ito at dinala sa loob ng bahay. "Megan, wake up! Wake up na please..."
Habang walang malay si Meg, tinawagan ni Grace si Joseph na nahanap na si Meg kaya wala pang 5 minutes, dumating na si Joseph. Pero si Meg, wala paring malay na nakahiga sa sofa.
"Bakit wala siyang malay, Grace? Saan mo siya nahanap?" sunod-sunod na tanong ni Joseph.

BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND - Book 2
Teen Fiction(COMPLETED) A continuation of Best Sister Friend :)