Nag-aayos ako ng gamit ko dahil mag-aalas kwatro na at uuwi na ako ng biglang nagring ang telephone sa table ko. Iyong receptionist pala sa baba ang tumawag, may naghahanap daw kasi sa akin. Agad ko naman pinuntahan pagkatapos kong iligpit ang gamit ko.
Nang nasa lobby na ako, dumeritso ako sa front desk. Hindi kasi sinabi kung sino ang naghahanap sa'kin eh!
"Excuse me, may naghahanap daw sa akin dito?" tanong ko sa receptionist.
"Oh yes Ma'am. Nandoon po siya sa cafe. Doon daw po kasi siya maghihintay sa'yo." sagot ng receptionist.
"Okay. Thank you." agad naman akong nagpunta sa cafe.
Nang nasa loob na ako ng cafe, agad kong nakita si Grace. Grabe! Si Grace pala iyong naghahanap sa akin. HAHAHA! Katuwa talaga si Grace, laki ng smile oh!
"Meg!!!" tawag niya sa akin.
Agad naman akong lumapit sa kinauupuan niya. "Grace, kanina ka pa ba? Hindi ka naman nagpasabi na pupunta ka dito. Sana pinuntahan kita agad dito!" nagbeso ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Pinasundo ka kasi sa akin ni Jaz. Syempre, gora ako! Need to catch up! Let's go shopping!!"
"Talaga? Eh hindi ako nakapagpaalam kay Jaz eh.."
"Don't worry, nagpaalam na ako! Tsaka magmo-mall lang naman tayo eh. Na miss ko magshopping! Gosh! It's been forever since my last shopping! Hahaha. Kaya samahan mo ko!" sabi ni Grace. May point din naman si Grace, matagal na nga din hindi kami nakakapagshopping together.
"Well, ano pa nga ba? Let's go shopping!!!" excited tuloy ako. HAHAHA! :]]
Nagpunta na nga kami sa mall. Nanuod kami ng movie tapos nagdinner. Pagkatapos namin magdinner, ayun na shopping! Hinila agad ako ni Grace sa Forever21. Sukat dito. Sukat doon. Ang dami pa namang tao!
"Meg, maganda ba 'to? Oh kaya ito? How about this?" tanong sa akin ni Grace. Hawak-hawak niya ang tatlong klaseng dress.
"Magaganda lahat, Grace. Sukat mo kung bagay ba sa'yo. I guess, mas bagay sa'yo 'yung red dress. Sakto doon sa heels mong suot kahapon." sagot ko. Maganda naman kasi talaga eh! :]
"Okay, susukat ko lang 'tong lahat. Eh ikaw, ano nagustuhan mo?"
"Itong black dress. Formal and elegant! Magagamit ko ito sa office. Wala naman kasi kaming uniform." sagot ko. Bet na bet ko kasi talaga itong dress na 'to.
"I'm sure bagay na bagay 'yan sa'yo, Meg." napangiti naman ako sa sagot ni Grace. Hihihi. "Sukat mo din iyan, Meg. Tara!!"
"Sige, Grace."
Nagpunta na nga kami sa dressing room at nagsusukat. Bet na bet ko talaga iyong black dress at bibilhin ko talaga 'to! Hihihi. Ilang beses kaming pabalik-balik sa dressing room para magsukat. Kapagod! Hindi na ko sanay magshopping. Hahaha. Pagkatapos ng mga dress, shoes naman.

BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND - Book 2
Roman pour Adolescents(COMPLETED) A continuation of Best Sister Friend :)