Ilang araw ang lumipas pero parang hindi parin ako mapalagay. Kahit wala namang nangyayaring masama pero bakit parang kinakabahan ako? I feel something fishy! Hihihi. Teka, nasaan si Jaz?
Hanap.. Hanap!!
"Nandito ka lang pala Jaz!" wika ko ng makita ko si Jaz nasa harap ng bahay nagdidilig ng mga halaman.
"Oh bakit mo 'ko hinahanap? May kailangan ka ba, Meg?" tanong ni Jaz sa'kin habang patuloy sa pagdidilig.
"Wala naman, Jaz. Akala ko lang kasi umalis ka." sagot ko naman.
"Saan naman ako pupunta?" aba ako pa tinanong. Ewan!
Pagkatapos magdilig ni Jaz ay pumasok na kami ng bahay. Biglang tumunog ang telepono kaya sinagot ko na baka kasi si Grace ang tumawag e, may usapan kasi kami. Hehehe.
"Hello?" wika ko ng sagutin ko ang telepono.
"Ano? Paano nangyari iyon? Sige, sasabihin ko. Pupunta agad kami diyan." gulat na sabi ko tapos binaba ko na ang telepono.
Agad kong pinuntahan si Jaz sa may kusina. Nililigpit niya kasi iyong basura na itatapon na sa labas. Nagulat naman siya ng bigla akong sumigaw ng tawagin siya.
"JAZ!!! Si Helen.." sabi ko.
"Bakit ka ba sumisigaw? Anong nangyari kay Helen?" tanong ni Jaz.
Niyakap ko siya. Alam ko hindi madali ang pagdadaanan ni Jaz kapag nalaman niya ang nangyari kay Helen. Sobrang nagtaka naman ata si Jaz at bumitiw sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Bakit ba Meg?" tanong ulet niya.
"Si Helen kasi... Nakitang patay sa gubat." sabi ko.
Kitang-kita ko ng biglang tumulo ang luha ni Jaz. Aish! Naaawa ako kay Jaz. Naawa ako kay Helen. Niyakap ko ulet si Jaz. This time mas mahigpit na. Humahagulgol sa iyak si Jaz. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, napaiyak na din ako.
Pinuntahan namin ang gubat kung saan nakita ang bangkay ni Helen. Nandoon si Tom, siya ang tumawag sa akin kanina, pati na din ang ibang mga bampira. Iyong iba hindi ko kilala pero namumukhaan ko sila.
"Jaz!' sabi ni Tom ng makita kami.
"Anong nangyari, Tom? Sino ang may gawa nito sa kanya?" tanong ni Jaz.
Nakita ko may isang parang kahoy ang nakasaksak sa tiyan ni Helen. Ang pinagtataka ko, bakit hindi nasunog o naglaho ang katawan ni Helen ng mamatay siya kagaya noong kay Vivian. Pero hindi ko narin tinanong dahil alam kong hindi iyon importante sa panahong ito.
"Hindi ko alam, Jaz. Pero base sa nakikita ko, gawa ito ng mga Kresniks. Sandata nila ang nakapatay kay Helen." sagot ni Tom.
Tama ba ang narinig ko? Kresniks ang pumatay kay Helen? Huhubels. Nandito na sila sa lugar namin. Baka matunton nila ako, si Jaz, si Tom, si Grace at ang ibang mga bampira. Iniisa na ba nila kami? :[[
"Sumosobra na talaga sila!" wika ni Jaz na galit na galit.
Patay na! Ano kaya iniisip ni Jaz? O.o Hindi naman siguro niya susugurin ang mga Kresniks diba? Waaaaaaaaaa. Hindi ko kaya yun! Baka may mangyaring masama sa kanya. :[
"Huminahon ka, Jaz. Pag-isipan nating mabuti ang dapat gawin." sabi ni Tom kay Jaz. Ako naman nakikinig lang sa kanila.
"Tom, iuwi mo muna si Meg please." utos ni Jaz kay Tom.
"Pero Jaz.. Hindi kita iiwan.." pagtutol ko.
"Okay Jaz." sagot ni Tom kay Jaz. "Meg, tara na."
"NO! Hindi ako uuwi. Sasamahan kita Jaz!!" pagpupumilit ko. Pero wala epek e. Tinignan lang ako ni Jaz. Kaya umuwi na lamang ako kasama ni Tom.
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND - Book 2
Teen Fiction(COMPLETED) A continuation of Best Sister Friend :)