CHAPTER 11: Mystery Picture

74 7 2
                                    

"Jazmine, is Megan alright?" tanong ni Joseph kay Jaz. Nasa bahay kasi si Joseph dahil may pag-uusapan daw sila ni Jaz. Hinatid lang ako ni Jaz sa office tapos umuwi na siya.

"Yes, she is. Why?" sagot ni Jaz. Nagtataka naman si Jaz bakit natanong ni Joseph iyon.

"Well, nabalitaan ko kasi iyong paglipat ni Miranda sa kanya bilang PA niya from being an editor. Alam ko naman na iyon ang first position ni Megan kaya mahalaga sa kanya iyon tsaka she's doing great on her job."

"Yeah dahil feeling niya demoted siya. Enexplain ko na naman ang situation kaya okay na siya ngayon. Tinawagan nga din niya si Miranda kagabi para magsorry. I guess okay na ang lahat." pag-explain naman ni Jaz dito kay Joseph.

"Oo nga, nasabi ni Miranda. Mabuti naman at okay na sila. Nag-aalala lang ako baka magkagalit sila but now sa sinabi mo, wala naman sigurong dapat ipag-alala." nag-aalala pala si Joseph na baka magkagalit kami ni Miranda. Hohoho!!

"So, may balita kana ba kung sino ang right hand ni Sasha? O kaya kung nasaan si Sasha? Hay! It's been awhile now Joseph, wala parin tayong intell tungkol sa kinaroroonan ni Sasha. Natatakot na ako para kay Meg." sabi ni Jaz habang nakapamewang.

"Wala pa. Pero we're working on it. Tsaka tungkol sa panaginip ni Megan, wala na ba siyang napapanaginipan na kung ano?" 

Umupo na siya sa tabing upuan ni Joseph. "So far, wala naman siyang nababanggit sa akin. I think, wala na naman. I hope kung managinip si Meg eh maganda na." sagot ni Jaz. Oo nga noh, ilang araw na hindi ako nananaginip. Mabuti na din siguro iyon. Nakakatakot din kasi baka kung ano ang mapanaginipan ko. Geez!

Sa office naman, nagsimula na ako bilang PA ni Miranda. Awkward pero keri. Habang kinukuha ko ang mga gamit ko sa table ko, kinausap ako ni Sam. Nasa office din kasi siya ng iligpit ko ang mga gamit ko para dalhin sa new table ko. Ang dami ko palang papers dito nakalagay sa folder.

"So Meg, PA kana talaga ni Miss Miranda. Magiging close na kayo dahil lage kana niyang kasama." wika niya. Nagulat naman ako sa sinabi niyang magiging close na kami. So ano ngayon? Tss. Kung may choice lang talaga ako, ayokong maging PA, napamahal na sa akin ang pagiging editor. :]

"Naku Sam, hindi naman para maging close kaya ako nalipat bilang PA niya. Naghahanap lang talaga siya ng magiging PA tapos ako iyong napili niya. Sayang nga eh, maganda pa naman iyong eniedit kong article. Ito iyon oh, kung gusto mo ikaw na magtapos." sabi ko habang inaabot ang isang folder ng article. Kinuha naman niya ito tapos ngumiti.

"Thanks. Eh bakit hindi sila naghire ng personal assistant niya? Bakit ikaw talaga kinuha nila? Magiging kawalan ka sa editing department, Meg." hahay naku itong si Sam kung ano-ano naiisip. Pero infairness, na touch ako sa sinabi niyang isa akong kawalan sa department. Hihihi.

"Ewan ko! Hind ko alam." sagot ko tapos nginitian ko siya. "Sige Sam ha, babalik na ako sa table ko baka hanapin ako ni Miss Miranda."

Tapos umalis na ako. Ngumiti lang din naman si Sam. I think nagtataka din talaga siya bakit ako ang nilipat and I guess pati iyong ibang employees. Bahala sila kung ano ang iisipin nila basta ako wala akong ginagawang masama. Si Miranda naman ang may gusto nito hindi ako.

BEST SISTER FRIEND - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon