CHAPTER 6: Big Day

90 6 2
                                    

It's been a month since I started working as an editor and honestly, I'm enjoying my work. Masaya din pala magwork, kahit minsan nakakastress ang mga paperworks sa office. Lalo na kapag end of the month dahil lahat ng editors maghahanda na naman ng mga bagong articles na ipa-publish next month. At dahil editor ako, dadaan muna sa akin ang ibang articles na ipa-publish.

"You're doing a great job, Meg." sabi ni Aiden sa akin.

"Thanks for all your help, Aiden. Kung hindi dahil sa tulong mo baka hindi ko magawa ng mabuti ang trabaho ko." sagot ko naman sa kanya.

Malaki naman talaga ang naging tulong niya sa akin eh simula noong first day ko dito sa FAB Pub., Co. At buti nalang din mababait ang mga katrabaho ko.

"Well then, we need to celebrate for your first published edited article, Meg." Celebrate? Naku!

"I wish I can, Aiden. But may usapan kasi kami ng..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Oh it's okay, Meg. Marami pa namang next time." ngumiti siya kaya napangiti na din ako. Bakit ba ang bait-bait ni Aiden sa akin?

"Thank you." sagot ko nalang.

Tinapos ko na ang mga gagawin ko ngayong araw na ito bago ako umuwi. May usapan kasi kami ni Tom na siya ang susundo sa akin dahil si Jaz may pinuntahang kaibigan sa London at sa makalawa pa siya makakauwi. Aish! Ngayon pa lang miss na miss ko na si Jaz. Sayang! Wala siya at hindi niya mababasa ang article na inedit ko. Bukas pa naman ang release nito.

"Meg, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Aiden sa akin.

"Uuwi na din ako, Aiden. Ililigpit ko lang itong gamit ko." sagot ko naman sa kanya.

"Great! So sabay na tayong bumaba." sabi niya. Tumango naman ako.

"Sure."

Nang natapos na ako, lumabas na din kami ni Aiden sa office namin at nagtungo na sa elevator. Pero bago pa man bumukas ang elevator, biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello Tom.' sagot ko naman sa kabilang linya. "Pababa na ako." tapos binaba ko na dahil mawawala na ang signal kapag pumasok na kami sa elevator.

"Boyfriend?" biglang tanong ni Aiden tapos nakangiti pa ito.

"Yeah." nginitian ko din siya.

Bumukas na ang elevator at sumakay na kami. Nang nasa ground floor na, nakita ko ang kotse ni Tom nakapark sa labas. Napangiti naman ako! :] Sabay kami ni Aiden lumabas ng building.

"Hey, Meg." bati ni Tom sa akin ng makita niya ako papalapit sa kinatatayuan niya sa labas ng kotse niya.

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya. Lumapit naman si Tom sa akin at hinalikan ako sa noo.

BEST SISTER FRIEND - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon