Natigil kami ni Aiden sa pag-uusap ng may biglang tumawag sa kanya. Kaya napalingon naman kaming dalawa sa kinaroroonan ng nagsasalita.
"Aiden?"
Hindi ko maintindihan ang reaksyon ni Aiden ng makita niya ang nagsasalita. Ako nga din eh, nagulat! Kasi naman, napakaganda ng babaeng tumawag kay Aiden.
"SA...???" putol na sabi ni Aiden.
"Hindi mo naman sinabing nandito ka pala, Aiden. Oh hi! I'm Sam, Aiden's friend." pakilala noong babae sa akin. Nakangiti naman siyang humarap sa akin kaya nginitian ko din siya.
"Hello, I'm Meg. Nice meeting you." sagot ko naman.
"The pleasure is all mine. Can I join you?" tanong ni Sam.
"Sure." sagot ko ulet.
Hindi parin nakakapagsalita si Aiden. Gulat na nakatingin pa din ito sa umuupong si Sam. Nakakapagtaka naman!
"Oh Aiden, magsalita ka naman diyan. Napakatahimik mo parin Aiden kahit kelan." wika ni Sam.
Matagal na siguro silang magkakakilala dahil mukhang kilalang-kilala ni Sam si Aiden.
"Anong ginagawa mo dito, Sam?" tanong ni Aiden.
"Well, I'm bored kaya nagpunta ako dito Aiden. Oh Meg, did you know na magaling kumanta itong si Aiden?"
"Talaga? Wow naman! Bakit hindi mo sinabi Aiden. Galing naman!!" nakangiti kong sabi. Hindi ko talaga alam na magaling kumanta si Aiden dahil hindi naman siya nagkwento sa akin tungkol doon.
"Well, now you know Meg. HAHAHA." tumatawang sabi ni Sam.
Napapansin ko mukhang iniinis ni Sam si Aiden sa mga sinasabi nito. Halata naman kasi sa mukha ni Aiden ang pagkainis eh. Hihihi.
"Stop it Sam!!" galit na sabi ni Aiden. "Let's go upstairs Meg. Baka hinahanap na tayo doon."
"Hala! Oo nga pala."
Tumayo na si Aiden kaya tumayo na din ako.
"We'll go ahead, Sam. Nice meeting you." sabi ko.
Ngumiti naman si Sam bago nagsalita. "Soon Meg." Tapos tumingin ito kay Aiden. Nakataas naman ang kilay ni Aiden bago niya ako hinila papunta sa elevator.
Nasa office na kami pero wala pading imik si Aiden. Mukhang nainis siya kay Sam. Sino kaya si Sam at naiinis si Aiden? Anong ugnayan nilang dalawa? HALA! Baka si Sam iyong girl na gusto noong napupusuan ni Aiden. Aish!
"Sorry kanina, Meg ah! Hindi ko lang kasi inaasahan na magkikita kami ni Sam.." biglang sorry ni Aiden sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Kunwari kasing busy ako eh para hindi mailang si Aiden.
BINABASA MO ANG
BEST SISTER FRIEND - Book 2
Ficção Adolescente(COMPLETED) A continuation of Best Sister Friend :)