CHAPTER 2: Jaz' POV

126 14 3
                                    

Haay! Hindi parin ako mapalagay na iniwan ko si Meg sa bahay. Kahit alam ko nandoon si Grace kasama ni Meg pero hindi parin ako mapakali. Tss. Alam ko kasi na hinahanap siya ng mga Kresniks. Ano mang araw malalaman na nila kung nasaan si Meg. :[

Papunta kasi ako ngayon sa kaibigan ko. Alam ko na matutulungan niya ako sa problema ko sa mga Kresniks. Medyo malayo nga lang ang bahay niya. Nasa harap na ako ng pintuan sa bahay ng kaibigan ko. Bago pa man ako makakatok ay biglang nagbukas ang pinto.

"Jazmine!" sambit niya ng makita ako.

"Sofia!" sagot ko naman.

Niyakap niya ako at niyakap ko din siya. Namiss ko si Sofia ng bongga! Simula kasi ng matunton ko ang kinaruruonan ni Meg ay hindi na kami muling nagkita.

"Pumasok ka. Matagal na kitang hinihintay." ang ganda parin talaga ng bahay ni Sofia kahit parang luma tignan.

"Salamat. Ma-isa ka parin dito?" pagtataka ko. Sabagay kasi simula noong namatay ang mga magulang niya, mag-isa nalang si Sofia.

"Hmm.. Kamusta si Megan?" tanong ni Sofia.

"Iyan nga ang pinunta ko dito, Sofia. Dahil sa kanya." sagot ko naman.

"Maupo muna tayo at pag-usapan natin iyan." yaya niya.

Kaya naupo muna kami sa sofa ng bahay niya. Malaki ang bahay ni Sofia. Sa labas, moderno tignan pero kapag nasa loob kana mukha siyang bahay noong mga panahon ng ninuno. Lahat ng mga gamit mga antiques.

"Ang mga Kresniks?" wika niya.

Nagulat ako kung bakit niya alam. Pero naalala ko na may kakayahan si Sofia malaman ang mangyayari sa hinaharap. Isa din siya noon sa mga hinahanap ni Vivian noong nabubuhay pa ito dahil gusto ni Vivian malaman kung buhay pa si Meg at kung ano ang kakayahan nito, at kung saan niya ito mahahanap.

"Sofia, ano bang gagawin ko para mailayo si Meg sa mga Kresniks? Hindi naman sa lahat ng oras nababantayan ko siya." pag-aalala kong tanong dito.

"Dalawa lang Jazmine. ang labanan ang mga Kresniks o hindi kaya kaibiganin sila. Which is which? You choose, Jazmine." sagot niya.

Napaisip ako doon ah! Paano ko gagawing kaibiganin ang mga Kresniks? At paano ko sila lalabanan? Tsk! Ilang taon na din ang nakalipas ng huli kong nakita ang mga Kresniks at sa hindi magandang pangyayari pa. Haaay nakuuuu!! Kay hirap talaga. :[[ Hindi ko alam ang gagawin ko pero isa lang ang sinisigurado ko, ililigtas ko si Meg sa kahit anong panganib!

"Jazmine, make sure hindi siya makita ni Sasha." babala ni Sofia sa akin.

SASHA!

O.o

It's been awhile ng huling marinig ko ang pangalan ni Sasha. Si Sasha ang namumuno ng mga Kresniks ngayon sa pagkakaalam ko. Noon kasi, magkakaibigan ang mga Vampires and Kresniks. Peaceful na namumuhay ang lahat. Pero nagbago ang lahat bigla. Haaaay! Ang hirap isipin. :[

*flashback*

Naglalakad kami ni Helen papunta sa salo-salo na gaganapin sa isang mansion na pagmamay-ari nila Sasha.

"Jazmine!! Helen!! Hintay!!" sabi noong boses.

Narinig namin ni Helen na may tumatawag sa amin kaya sabay kaming napalingon. Si Gio ang tumatawag sa amin. Tumatakbo siya patungo sa kinatatayuan namin. Hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Oh Gio, saan ka ba galing?" tanong ni Helen.

"Pheew! Doon!" sagot naman ni Gio sabay turo ni Gio sa kakahuyan. Ano kaya ginagawa niya doon? Hmm..

BEST SISTER FRIEND - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon