CHAPTER 17: Clearer View - Part 1

50 4 0
                                    

"So Grace, hindi ka na aalis ulet? Dito kana ulet?" tanong ko kay Grace. Siya kasi ang naghatid sa akin papuntang opisina. Si Jaz kasi at Joseph nagpunta sa gubat kaninang madaling araw para kausapin ang mga kasamahan nila.

"Bakit, ayaw mo ba Meg?" sabay pout ng lips ni Grace. Nandito pa kasi kami sa loob ng kotse ni Grace na nakaparada sa harap ng building na pinagtatrabahuan ko.

"Naku!! Hindi bagay sa'yo, Grace. Tsaka I was just asking noh dahil baka bigla kana namang umalis..." napa explain tuloy ako ng wala sa oras. HAHAHA!

"Hahaha! Alam ko naman 'yun! Hindi ko pa nga lang sure kung mananatili ako dito.. Wala pa kasing sinasabi si Jaz. I'm just enjoying my stay here, you know!" sagot naman niya sabay wink ng isang mata.

"Hmm.. Sige! Thank you sa paghatid sa'kin ha? Na miss talaga kita, Grace!" niyakap ko siya. Nagulat ata siya eh! Hihi.

"Oh siya sige na.. Pumasok kana! Hindi porket wala boss mo mali-late kana.. Sumbong kita kay Miranda eh! HAHAHA!" kung makatawa naman 'tong si Grace oh.. Sumbong daw? Tsss.

"Opo! Ito na po oh, papasok na.. See yah tonight!" nagbeso ako kay Grace pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan. Hinintay naman niya na makapasok ako ng building bago umalis.

Pagdating ko sa office ay kaonti pa lang ang tao. Siguro napaaga lang ako ng pagdating. Si Grace kasi ang bilis magmaneho. Haha. Sinisi ko pa talaga si Grace noh? LOL!

"Meg, nandito kana pala. Kanina ka pa hinahanap ni Miss Em." ani Lynn ng makita niya akong pumasok.

Bakit kaya ako hinahanap ni Miss Em? Ano kaya kailangan niya sa'kin? "Ha? Bakit daw, Lynn?" tanong ko kay Lynn.

"Hindi ko din alam, Meg. Nandoon siya sa rooftop ngayon." sagot ni Lynn sabay turo sa pinto papuntang rooftop.

Ano naman kayang ginagawa ni Miss Em doon? Tsaka bakit siya nandoon? Maaga pa para magsmoke break siya. Hehe.

"Thanks, Lynn. Pupuntahan ko muna siya."

"No probs, Meg!"

Kaya nagpunta na ako sa rooftop. Parang wala namang tao! Tahimik! Nasaan kaya si Miss Em?

"Miss Em?" tawag ko.. Pero walang sumasagot. Inulit ko ang pagtawag. "Miss Em? Hinahanap niyo daw po ako?"

Nagulat ako ng biglang may nagsalita. Nilingon ko sa kanan ko at nandoon nga si Miss Em. Gosh! Bakit hindi ko siya nakita kanina?

"Megan! Lumapit ka dito!" ani Miss Em. Kaya lumapit naman ako. Nang makalapit na ako, doon ko lang napagtanto na may suot si Miss Em na kwintas. Kumikinang at napakaganda.

"Hinahanap niyo daw po ako?" tanong ko. Hindi ko parin maalis ang paningin ko sa kwintas niya.

Napansin naman ata niya at hinawakan niya ang kwintas. "Maganda ba?" tanong niya.

"Ah eh uhmm.. Opo! Napakaganda po." sagot ko naman.

BEST SISTER FRIEND - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon