CHAPTER 1
Nakarating na kami nang batangas kung saan nakatira sila lolo at lola, ang magulang ng aking ina. Dahil bakasyon, gusto ng lola na dumito muna ako para makapag pahinga at makapag bakasyon narin. ayoko sana nung una ngunit mapilit si kuya Charles kaya pumayag na rin ako. wala rin naman akong makakasama sa bahay dahil nasa canada sya para ipagpatuloy ang pag dodoktor at si mommy kailangan dito sa batangas para ipagpatuloy ang negosyo namin.
Namatay si lolo nung kinse anyos ako, at ang mas masakit pa doon ay naging saksi ako.kaya simula nun ay para bang sinumpa ko 'tong lugar at kailan man hindi na tatapak pa.
Pero ang nakakatawa heto ako ngayon nakatayo at nakaharap sa dati namin tirahan.
Ayoko nang isipin ang nakaraan. masyado akong na-trauma at nasaktan.
Hindi lang naman ako ang nawalan pero bakit parang ako ang pinaka nasaktan?
Dahil ba ako ang paboritong apo?? ako ang bunso samin ni kuya charles?
Diko alam..
"Christine, tara na! Nag hihintay ang lola mo" si mom. "Malamang miss ka 'non" dagdag niya pa.
Tumango nalang ako at sumunod sa kanila.
Habang naglalakad nakita ko ang pagbabago sa lugar na'to. kung noon maraming puno. ngayon ay kaunti nalang at sobrang aliwalas tignan. kahit nasa malayo ka palang ay makikita mo na ang ganda ng dagat. Sa kaliwa ng bandang dulo ay andoon ang resort. resort na pagmamay-ari ng magulang ko. andoon yung mga dayuhan na nagbabakasyon.
Sa kanan naman ay ang bahay ng lola ko at bahay narin namin dahil halos buwan buwan andito si mom para asikasuhin ang resort. Walang nagbago sa bahay ganun parin. medyo pinaganda lang at pininturahan sa labas. gaya ng sinabi ko walang nagbago, Makaluma man pero maganda kung pagmasdan.
Pagkapasok namin ay agad na bumugad si lola. Una siyang yumakap sakin at tinugunan ko iyon. Pansin kong tumanda na ito 'di tulad noong huli ko siyang nakita. malakas pa at tuwid kung tumayo. ngayon kasi ay medyo kuba na at marami nang puti na buhok maski ang kanyang balat ay kulubot na. ngunit kaya nya pang maglakad.
"Apo, kamusta kana? Ang tagal din nung huli kang nakapunta dito. Buti sumama ka sa mommy mo" unang pagbati ni lola.
"Si kuya Charles lang po yung namilit lola, ayoko po sana kaso namiss ko rin dito sa batangas" nakangiti kong sagot at nilibot ang paligid bago bumaling ulit sa kanya.
"Sa Kuya mo lang talaga ikaw sumusunod ano, Sobrang namiss kita apo. apat na taon din nung huli mong punta" pagpapatuloy nya. May lungkot din sa boses nyang iyon kaya medyo nahiya ako at yumuko.
"Sorry po, La" Paumanhin ko ngunit ngumiti lang ito na para bang ayos lang iyon sa kanya.
Hindi nila ako masisisi kung ngayon lang ako nakapunta. Dahil alam nila yung sakit at trauma na napagdaanan ko. Gusto man nilang tulungan ako ngunit ipinaubaya na nila iyon sa aking nakakatakdang kuya.
"Gutom ba kayo? Tara na nakahanda na ang pagkain" pang iiba nya ng usapan. Kaya sabay sabay kaming pumunta sa may sala para makakain na.
BINABASA MO ANG
UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)
Teen FictionHave you experienced to love but only for a short time? Naranasan mo na rin bang magmahal na sa inyong dalawa ikaw lang ang may nararamdaman?? What will you do?? Will you tell him that in a short time you have to learn to love him?? Will you say th...