CHAPTER 22

48 14 3
                                    

CHAPTER 22

Dating

Habang nag lalakad ay tumingin tingin ako sa paligid kung ano pa ang pwedeng laruin, hindi gaano kadami ang tao. May mga bata, teenager, nanay o tatay, mag jowa at iba pa. Sunod na tinuro ko iyong kuhaan ng teddy bear. Marami iyong klase sa magkakaiba ng machine. Merong malalaking machine at ang nasa loob naman ay iyong malalaking teddy bear. Sa katabi naman nun ay yung malilit na machine at teddy bear. 

Nang matapos ang babae para kuhaan ang kasama nitong batang babae din ay sumunod kami.

“Ako na kukuha para sayo” sabi nya at naghulog sya ng isang token.

“No! I just want to try! Let me get one” pangbabangga ko sa kanya para hindi sya makapag laro.

Nakatingin ako sa mga teady bear kung saan doon ang una kong kukuhanin.

Pinipilit nya yung sarili na sya na ang kumuha pero napagdesisyunan kong ako ang kukuha nu'n para sa kanya.

“No!”

“Yes!”

“No!”

“Nathan!!. What the hell are you doing?? ” tanong ko nang maramdaman kong iginigilid  nya 'ko.

“Ang sabi ko nga kasi, ako na kukuha para sayo” pangongontra na.

“Pero, gusto ko ngang subukan” hindi ko namapigilan ang maging malungkot na boses dahil don. Marami na ang tumitingin sa'min dahil na rin sa paghihintay para sila ang sumunod.

Wala nya syang nagawa kaya huminga ito ng malalim at tumango. Nang makita ko iyon ay agad gumuhit sa mga labi ko ang ngiti.

Para ba akong binigyan ng lolipop sa sobrang saya. Wala akong ibang ginawa kundi ang ngitian sya at umpisahan ang laro.

Nag focus lang ako sa teddy bear. Mas pinili kong masmalapit sa butas para kunsakali mang mahulog iyon ay pwedeng sa butas iyon dumiretsyo.

Habang focus ako ro'n ay nakikita ng kabilang mata ko kung saan sya. Ramdam kong nakakatitig ito. Gusto ko mang sulyapan ngunit hindi ko na ito nagawa dahil naging kampate ako sa pagkuha ng laruan.

Nang pinindot ko ang bottom para gumalaw iyon at dakutin ang teddy bear, hindi parin naaalis ang ngiti sa labi ko. Alam ko 'yon.

Pinagdikit ko and dalawa kong daliri na pa-cross habang naghihintay. Ramdam ko ang tensyon at galak na makuha iyon. Kaya mas gusto ko iyon tutukan.

Nang makabit na nito ang teddy bear ay agad na lumaki ang mata na makuha iyon kaya mas lalo kong pinang gigilan ang daliri upang umasa na sana makuha iyon agad.

Iniisip ko na kung ano pwedeng maging reaksyon nya. Kung matutuwa ba sya? Kung kukunin nya kaya iyon o baka pangalanan nya. Hindi ko alam sa sobrang excitement ay bigla iyon nawala nang agad iyon nabitawan kung saan iyon nakuha.

Nawala ang ngiti at pang gigil ko nang dahil do'n. Ngumuso akong humarap sa kanya nang makita iyong biglang nag flash.

“Ano ba'yan!, Nathan” inis at walang gana kong tono.

“Oh bat ganyan itsura mo?” pang aasar nya na para bang hindi nya iyon nakita.

“Isa pa!” sabay lahad ng palad sa kanya upang bigyan ng token habang nakanguso parin.

“Ako na kukuha”

“Ayoko! Kung gusto mong kumuha pagka tapos kong makuha yung teddy bear na'yon" sabay turo sa nakatumbang teddy bear na kinuhanan ko kanina.

Wala itong nagawa kundi ang kumapa sa bulsa at bigyan ulit ako.

Agad ko iyon kinuha sa kamay nya at hinulog agad. Kita kong umiling ito kaya napangiti ako dahil do'n.

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon