Natapos si Nathan sa pagkanta sa harapan ay ibinalik naman nung babae ang cellphone ko, nakipag usap muna siya sa mga bakla bago bumalik dito sa pwesto namin.
Nagulat naman ako nang kasama ang mga ito, kinukulit siguro dahil walang sawang salita ang mga bakla sa likod nya.
Umupo sya sa harapan ko at ngumiti. “Ang ganda ng boses mo, ngayon ko lang nalaman” bati ko nang makaupo sya.
“Ngayon mo lang kasi nakita na kumanta ako”
Nasa gilid namin yung dalawa na para bang may hinihintay.
Diba dapat nasa stage na sila? Bat pa sila andito?
Nang mapansin ni Nathan ang pagtataka ko ay humarap sya sakin.
“Gusto nilang kumanta ka rin”
Nabaling ang atensyon ko sa dalawa at sabay tumango. Napakagat naman ako sa ibaba ng labi ko.
Ang tagal ko nang itinigil ang pagkanta. Nahihiya ako!
“Sorry, but I can't ” I apologized
Naging malungkot sila at humarap ulit kay nathan.
What they want?
“Pag bigyan mona, minsan lang” pamimilit nila. “Hindi ka tatantanan ng mga yan kasi wala na silang mahanap na pwedeng kumanta sa harap” dagdag pa nya.
Wala na akong nagawa kaya tumango na rin ako. Natuwa naman sila dahil don pagkatapos ay iniwan kami para ipagpatuloy ang kinakain.
Mga ilang minuto rin ay tinawag nila ang pangalan ko kaya bumaling muna ako kay nath para magpaalam sabay ay lumakad papunta sa stage.
“Grabe! Todo pilit si ate girl, akala talaga namin di sya papayag pero buti nalang nakumbinsi ni boyfie” ang bakla ulit nagsalita kausap ang audience.
“Ikaw ba naman na may ganung ka gwapong boyfriend malamang hindi kana tatanggi pa” ani pa ng isa na nag uusap sa harapan.
Natawa naman ang madla nang dahil don.
“Eh, kaso nga lang bakla ay hindi ikaw ang boyfie kaya iyak ka muna sa gedli”
“Ay naku bakla, maghahanap na lang ako yung mala papa Nathan ang dating”
“Wag na umasa bakla, Iisa lang ang papa Nathan, ayun nalang sayo si kuya” tinuro nya ang isang audience na tulog na sa lamesa.
“Naku! No, thanks. Baka maging lalaki din ako” nagsitawanan naman kami nang dahil don.
Hindi nagtagal ay pinaakyat na nila ako, pinaupo sa high chair na may naka stand na mike. Nanghirap din ako ng gitara para props, nilagyan din nila iyong mike para marinig ng manonood.
Kinausap ko ang na ppiano para ipaalam ang kakantahin ko para kahit papaano ay maging maganda ang tunog na yon.
Nag Stram ako para sa intro at tumitig sa madla. Nakakaba dahil ngayon nalang ulit ako humawak ng gitara at kumanta sa harap ng ibang tao.
ooh... yeah..
Unang pagkanta ko. Casual ang pagkanta ko nayon, hindi mataas hindi rin naman sobrang baba. Yung sakto lang galing sa puso.
our little conversations
are turning into little sweet sensations
and they're only getting sweeter everytimeKasabay ng pagtapik ng gitara at pagsabay ng piano ang aking pagkanta. Hindi sya sobrang lungkot, pero madadama yung ibig sabihin ng liriko.
Nagtaasan ang kamay ng mga manonood at iniwagayway iyon ng mabagal para bang ipinapahatid ang maladamdamin nitong hatid.
I can't pretend
that i'm just a friend
'cause i'm thinkin' maybe we were meant to be
BINABASA MO ANG
UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)
Teen FictionHave you experienced to love but only for a short time? Naranasan mo na rin bang magmahal na sa inyong dalawa ikaw lang ang may nararamdaman?? What will you do?? Will you tell him that in a short time you have to learn to love him?? Will you say th...