CHAPTER 20

60 17 3
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto ni nathan. 3 am na pero hindi parin ako makatulog dahil sa nangyari.

Meron sa loob-loob kong gustong tanungin si Nathan kung bakit nya ginawa yung muntik nang mangyari samin. Gusto kong malaman kung anong naramdaman nya.

Huminga ako ng malalim at humarap sa gilid kung saan nakatalikod ako sa may pintuan. Hindi ko parin maiwasan ang hindi mag isip.

Ramdam ko parin sa balat ko ang haplos nya. Yung ano..

"Argh!!" Napaupo ako nang dahil doon at hinilamos ang muka. "Bakit hindi ako makatulog??" bulong ko pa sa sarili at binatok-batukan ang ulo na para bang may himala na pwedeng mawala ang kanina ko pang iniisip.

Nagpasya akong bumaba para uminom ng tubig. Ngunit nag-aalanganin ako na  baka gising ito at tulad ko hindi rin makatulog.

What did you do to me, Nath? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko!!

I took a deep breath and decided to go to the kitchen.

Bahala na!

Maingat akong naglakad papuntang pinto at binuksan iyon para makarating ng kusina. Para bang isang maling kilos ko lang ay mayayari nako, maski paghinga ko maingat din.

Madilim ang kapaligiran. Kita ko ang pwesto ni nathan. Natutulog ito na tuwid at nakapulupot ang mga kamay braso.

Dahan dahan kong binuksan ang ref at lumiwanag iyon dahil sa ilaw nito kaya napatingin ako banda sa kanya kung nagising ko 'ba sya nang dahil doon. Nang napansing wala itong pinagbago sa pagkahiga nya ay kinuha ko ang pitsel at inilagay sa lamesa. Sunod ay baso naman para makainom.

Gaya ng pagkabukas ko ng ref kanina ay ganun din ang ginawa ko mas maingat na ngayon di tulad kanina,  maliit na iyon upang pigilan ang ilaw sa loob ng ref.  Kinakabahan ako kahit na maliit ang pagkabukas ko ay umiilaw parin kaya bigla bigla ko iyon sinasara.

Pakiramdam ko sa ganung ilaw ay magigising sya at mapansin ako, ayokong mapagkamalang magnanakaw.

Kaya ang ginagawa ko ay..
Bukas

Sara

Bukas

Sara

Bukas

Gusto kong sakupin ang liwanag ng ref para lang wag nang umilaw. Ngunit bigo ako kaya inilagay ko na roon ang pitsel ng madalian at bumalik sa kwarto ng mabilisan.

3:45 na ng madaling araw. Di parin ako dinadalaw ng antok. Napagpasyahan kong umuwi na at baka hanapin ako nila mama at lola. Ayokong mangyari ang nangyari nung nakaraan lang.

Binuksan ko ang lampshade ni nath at naghanap ng sticky notes at ballpen. Hindi naman ako nahirapan dahil andoon iyon sa kabinet kung saan nakapatong ang lampshade sa tabi ng kama nito. Sunod ay nagsulat ako at idinikit sa ref nya para agad makita. Pagkasunod ay umalis na.

Notes:
Hindi na kita ginising para ihatid ako sa bahay, mahimbing na kasi tulog mo.. Umuwi na ako baka kasi hanapin din ako ni mommy at lola. Pupunta nalang ako dito mamaya bago mag 2 dahil sabi mo treat mo'ko diba?? See you later!.

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon