CHAPTER 6

102 27 11
                                    

12nn na nang makauwi kami.  dahil puro ang tigil ko dahil sa pagod. hindi naman siya nagrereklamo dahil pati siya nagpapahinga din ramdam ko naman yun ayaw niya lang magsalita kaya ako na ang nag suggest.

Sinalubong ako ni lira nung nagkita kami paakyat ng kwarto. nagtanong siya at sinabi ko rin kung saan galing. hindi naman niya tinanong kung sino kasama ko basta ang alam niya ay meron akong kaibigan na tourista.

Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod.  4:30 pm nung nagising ako.  naligo muna bago bumaba at pumunta sa tambayan. Bihira nalang kami mag-usap ni lira dahil sa busy siya at nagiging excited din ako kapag mag gagabi na.

"Nakalimutan kong tanungin. bakasyon ka dito?" tanong ni nath nung nagkita na kami sa tambayan.

"yeah.." sagot ko.

"Narinig kong mam tawag sayo nung staff nong unang araw na hinahanap ka.  pagmamay-ari nyo'to?" noong una ko syang napansin habang pinapanood ang sunset.

"Hmm.. Actually kay lolo at lola tong resort.  pinamana lang kay mommy at dada dahil matanda na silatska di kaya ni lola na mag-isa lang 'to asikasuhin" sabi ko pa.

"Mag-isa? Akala ko ba lola at lola mo?" tanong nya ulit.

"oo nga, kaso namatay si lola nung 15 years old ako.  ang masakit pa sa harap ko" konting salita nalang gagarak na yung boses ko kaya huminga ako ng malalim.

"Sorry" paumanhin niya

"Ayos lang" tipid kong ngiti.

Naging akward yung atmosphere sa sinabi ko. Sa tuwing naalala ko kasi yun parang sariwa ang lahat para bang kahapon lang nangyari. walang nagbago masakit parin kahit apat na taon na nakalipas. Na trauma ako nung oras na 'yon.  halos magkulong ako sa kwarto at hindi kumain maski ligo hindi ko magawa.

FLASHBACK

Naglalaro kami ni kuya charles sa likod ng bahay namin, sa medyong dulo naman ay ayun na ang resort, resort na pagmamay-ari rin namin.

"Kuya, akin na yun oh," utos ko habang nakaturo sa may halaman na maliliit. Pinutol namin iyon kanina sa may halamanan para gawing pagkain sa luto-lutuan. Agad naman niyang sinunod iyon habang nagbabasa ng libro.

Siya yung kasama ko sa laro kahit ang totoo ay ako lang mag-isa, Ako lang kasi ang gumagawa lahat. naghihiwa ng halaman o kaya nagluluto tapos kunwari ipapatikim ko sa kaniya tapos titikman nya rin kunwari tapos masasarapan siya kunwari rin habang nakaharap sa libro.

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon